Personal na binisita ni Governor Edgardo Tallado ang nasirang detour sa Barangay Cabuluhan Sta. Elena dulot ng nag daang bangyong Mario.
Ang pagkasira ng tulay ay naging dahilan para hindi makatawid ang malalaking sasakyan na mga bumibiyahe papasok at palabas ng Camarines Norte.
Ayun kay Gov. Tallado, ginagawa na nya ang lahat ng paraan para mapabilis ang pagpapaayos ng naturang detour, at upang mapabilis na rin ang tulay na isinasagawa dito. Anya, personal nyang tututukan ang nasabing pagawain.
Nakipag usap na rin si Tallado kay Camarines Norte DPWH Dist Engr. Elmer Redrico at mga local na opisyal ng bayan ng Sta Elena at napagkasunduan ang pagpapagawa ng isang pansamantalang detour sa bandang unahan ng ilog na maaaring madaanan ng maliliit na bahikulo katulad ng motorsiklo at ilan pang maliliit na sasakyan.
At katulad ng ipinangako ni DE Redrico at ng mga lokal na opisyal ng Sta. Elena, kahapon din, araw ng lunes (Sept 22, 2014) ay tuluyan nang nadaanan ng mga tao ang isang pansamantalang tulay na isinagawa sa mismong naputol na detour. Sa susunod na Liingo naman inaasahang matatapos ang pansamantalang detour na dadaanan ng mga light vehicles
Inaasahan din naman ni Tallado na mamadaliin na rin ng DPWH at ng kontratista nito ang nasirang detour upang madaanan na rin ng mga malalaking sasakyan.
Nagpadala na rin ng mga heavy equipment sang kapitolyo sa nasabing lugar upang makatulong sa mas mabilisang pagpapatrabaho at maging normal na muli ang biyahe ng mga papasok at palabas ng lalawigan.
-Camarines Norte News, with Luigi Querubin