Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 section 6, 11 and 12 ang isang nagngangalang Cerillo de Luna ng purok 1 Brgy Camambugan.
Itoy matapos na maging positibo ang isinagawang search operation ng Philippine Drug Enforment Agency PDEA Camarines Norte sa pamumuno ni Provincial Officer Enrique Lucero, at ng Daet PNP sa tahanan ng suspect.
Nakuha sa tahanan ni de Luna ang walong sachet ng pinaghihinalaang shabu at mga drug paraphernalia.
Sa isinagawang paghahalughog ay nakakuha rin ang mga awtoridad ng isang kalebre 38 baril na nakatago mismo sa bubong ng tahanan ng suspect.
Ang nasabing operasyon ay sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Hon. Judge Arniel Dating ng RTC branch 41 na may bilang d 2014-22 na kaagad namang isinakatuparan ng mga awtoridad ala una ng hapon kahapon, (Sept 22, 2014).
Ang naturang suspect na si cerilo de luna ay matagal ng minamanmanan ng mga awtoridad bunsod na rin ng marami ng reklamo sa kanya mismo ng kanyang mga kabaranggay.
Sa kasamaang palad, nabigo naman ang mga awtoridad na mahuli ang suspek matapos na ito’y makatakas sa pamamagitan ng pag akyat at pag daan sa kisame ng bubong sa biglaang pag dating ng grupo ng PDEA at PNP.
Samantala, naisampa na ang kaso laban sa suspek at ang posibleng pagpapalabas ng warrant of arrest para dito.
Ricky Pera
Camarines Norte News