“Force Majeure” ito ang itinuturong dahilan ng kontratista ng nasirang detour sa Brgy Cabuluhan Sta. elena Camarines Norte ng nagdaang bagyong Mario na naging dahilan para hindi makalusot ang mga sasakyan sa naturang lugar, papasok at palabas ng lalawigan.
Kamakailan, napaulat na sub-standard umano ang nasabing proyekto kung kaya’t agaran itong nasira ng pag ragasa ng malakas na agos ng tubig dulot ng malakas na pag ulan.
Sa follow up ng Camarines Norte News sa BEMKAR Construction, kontratista ng naturang proyekto, sinabi ng kinatawan nito na Force Majeure umano o sanhi ng pwersa ng kalikasan o aksidente ang naging dahilan ng pagkasira nito.
(FORCE MAJEURE – (Latin) “superior force”, chance occurrence, unavoidable accident, an extraordinary event or circumstance beyond the control of a party, a common clause in contracts that essentially frees both parties from liability or obligation when an extraordinary event or circumstance beyond the control of the parties, such as a war, strike, riot, crime, or an event described by the legal term act of God (such as hurricane, flooding, earthquake,volcanic eruption, etc.), prevents one or both parties from fulfilling their obligations under the contract. In practice, most force majeure clauses do not excuse a party’s non-performance entirely, but only suspends it for the duration of the force majeure)
Sa mga larawang ipinakita ng BEMKAR Construction, makikita ang mga sanga ng kahot at mga bunga nng niyog na rumagasa sa ilog mula sa nkabundukan kung kayat nag bara umano ang mga butas o culvert sa mismong ilalim ng detour kung kayat hindi na nito kinaya ang pwersa ng tubig. Itinanggi ng nasabing kumpanya na sub-standard ang kanilang proyekto dahilan sa hindi naman nila umano isasakripisyo ang buhay ng mga motoristang dumadaan dito lalo pa’t malalaking sasakyan ang dumaraan sa nasabing detour.
Nauna na ring nagsagawa ng personal na inspeksyon dito si Governor Edgardo Tallado at mga kinatawan ng DPWH mula sa District Office ng Camarines Norte at regional office nito at nakapagsagawa ng assessment hinggil sa posibleng dulot ng pagkasira ng detour.
Kinumpirma din ni Assistant Dist. Engr. Vic Corporal na Force Majeure nga ang naging dahilan ng pagkasira nito.
Sa ngayon, tiniyak naman ng DPWH na ilang araw na lamang ay maaari nang magamit ang panibagong detour na itinatayo ngayon na tuloy tuloy, 24 oras kada araw.
Mismong si Govvernor Tallado ang nakipag-usap umano sa may ari ng lupa na dadaanan patungo sa bagong detour upang magamit ng mga biyahero at motoristang dadaan sa nasabing lugar.
Nakapag laan na rin ang DPWH ng pondo para sa isinasagawang bagong detour at nagpahiram na rin ng dalawang heavy equipment ang pamahalaang panlalawigan para mas mapabilis ang naturang proyekto.
Camarines Norte News