AWAY MAG LIVE IN, TOMBOY NAGPAKAMATAY SA SAN VICENTE!

AWAY MAG LIVE IN, TOMBOY NAGPAKAMATAY SA SAN VICENTE!

Dead on Arrival sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) ang 18 taong gulang na tomboy na kinilalang si Jezel Seraldy Y Abion na nagmula sa Brgy. Minaga Albay at kasalukuyang naninirahan sa Purok 2 Calabagas San Vicente Camarines Norte.

Ayun sa ulat ng SLR PNP, ganap na ika-11 ng umaga noong Septyembre 28, 2014 ng natagpuang nakabitin si Seraldy isang lesbian gamit ang nylon cord na nakatali sa isang kahoy sa loob ng palikuran sa bayan ng San Vicente sa kanilang tinutuluyan ng live in partner na si Catherine R. Ortil, 22 taong gulang.

Napagalaman din sa imbestigasyon na bago naganap ang pagpaptiwakal, nagkaroon ng mainit pagtatalo ang dalawang maglive in partner na nagdulot ng matinding depression sa biktima (seraldy). Matapos nga ay nakita na itong walang buhay. Kayat inireport ng kapamilya ni Ortil ang mga pangyayari sa San Vicente Municipal Police Station at dinala ang biktima sa Camarines Norte Provincial Hospital CNPH, kasama ang mga pulis na sina PO2 Rogelio Bares ng San

Vicente PNP sa ilalim ng pamumuno ni P/Insp Antonio Perez, ngunit idineklara na itong walang buhay ni Dr. Grace Garlan attending physician ng CNPH ang biktima.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga kapulisan sa bayan ng San Vicente para mas mabigyan ng linaw ang mga kaganapan.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.