KARA DAVID NG GMA-7, NAGBALIK SA BAYAN NG MERCEDES HINGGIL SA ISYU NG MALNUTRISYON!

KARA DAVID NG GMA-7, NAGBALIK SA BAYAN NG MERCEDES HINGGIL SA ISYU NG MALNUTRISYON!

Dumalaw si Kara David. Journalist mula sa GMA 7, kasama ang Malasakit Foundation Inc. para magbigay tulong sa 240 na pamilya na apektado ng malnutrisyon sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Nagsimulang makarating ang kapusong mamamahayag sa lalawigan ng Camarines Norte dahil na engganyo siya sa ganda ng turismo sa lalawigan.

Hindi naging lingid kay Ms. David ang problema sa malnutrisyon sa bayan ng Mercedes na kanyang itinampok sa kanyang documentation na may titulong “Butot Balat” na naipalabas sa programang i witness noong June 6, 2005 sa GMA7.
“Sa ngayon Marami na ang improvement pero, marami pa ang kailangang gawin para malutas ang malnutrisyon
Katulad ng sanitasyon dahil may mga kabataan na walang tsinelas at ilang pamilya ang walang maayos na palikuran na maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng bulate lalo na sa mga bata…” pahayag ni Kara.
Isa pang nakitang suliranin ni Kara ang kabuhayan dahil napansin nya na karamihan ng naninirahan sa Mercedes ay nakadepende lamang sa pangingisda, kung kaya’t nagbigay ito ng mga solusyon na maaaring makatulong katulad ng livelihood exploration at pagtatanim.

Kasabay din ng pagdalaw ng grupo ni Kara ang regular na Multi Service Caravan ni Governor Edgardo Tallado katuwang din ang ilang organisasyon katulad ng Ako Bikol Partylist at Philippine Red Cross.

Nagkaroon ng Medical and Dental Mission katulong ang mga Job order Nurses at mga Doktor mula sa lalawigan.
Nagsagawa din ng libreng gupitan ng buhok sa mga kalalakihan at may kasamang hot oil para sa mga kababaihan.

Mayroon din Livelihood Education and Demo para makatulong sa araw araw n pamumuhay ng mga naninirahan sa bayan ng Mercedes.

Pahayag naman ni Vice Governor Jonah Pimentel ay Kaakibat ng malnutrisyon ang kahirapan kayat layunin nila na ma- iangat ang kabuhayan ng mga kababayan pra magkaroon ng access sa wastong nutrisyon lalo na ang mga naninirahan sa bayan ng Mercedes.
Sinabi naman ni Mayor Alex Pajarillo na regular ang kanilang feeding sa mga batang may anim na buwan hanggang tatlong taong gulang at magkakaroon din sila ng seminar tungkol sa wastong nutrisyon sa darating na October 2–3, 2014 sa tulong ng DOST-FNRI, Department of Science and Technology ; Food and Research Institute.

Gian Jay D. Grijalvo
CN News

Leave a Reply

Your email address will not be published.