10 LIBONG PISO, TINANGGAP NG NAPILING MOST OUSTANDING TEACHER SA VINZONS, KASABAY NG VINZONS DAY AT CSC CELEBRATION!

10 LIBONG PISO, TINANGGAP NG NAPILING MOST OUSTANDING TEACHER SA VINZONS, KASABAY NG VINZONS DAY AT CSC CELEBRATION!

Binigyang pugay ng lokal na pamahalaan ng Bayan ng Vinzons ang lahat ng mga guro sa kanilang bayan kagabi, Set. 29 2014.

Ito’y kaugnay ng ipinagdiriwang na Buwan ng Serbisyo Sibil at ng ika 104 kaarawan ng bayaning si Wenceslao Q. Vinzons.

Sa pagdiriwang ding ito ay ginawaran si Ginang Maricel B. Ubana ng Vinzons Pilot High School ng tropeyo at P10,000 bilang gatimpala sa kanya dahil sa naging accomplishments nito.

Bahagi rin ng naging pagdiriwang ay ang pagbibigay ng mensahe ni Mayor Agnes Diezmo-Ang, kung saan ipinagmalaki nito ang mataas na kalidad ng Vinzons pilot HS and Elementary sa naturang bayan.“The quality of education here in the Vinzons Pilot Elementary and High School is of little bearing because the Vinzons Pilot Schools actually speak for themselves when it comes to good quality education. This is evidenced by the different achievements and accolades received by our students in different fields of study, earning them recognition in provincial and regional competitions alike. Our students come out hold 1st and 2nd places in contests

held in different parts of the country while bearing and representing the name of Vinzons PilotVinzons Pilot is known to be one-of-the-best schools in this part of the province and, that, which, produces the best teachers in the country who could actually be, quote/unquoted “exported” to the world.”. . pahayag ng alkalde.

Pasasalamat naman ang mga guro sa pampublikong paaralan dahil binibigyan sila ng  pagkilala sa kanilang mga sakripisyo at pagpupunyagi upang mapataas ang antas ng kalidad ng edukasyon sa kanilang bayan.

Matatandaan na mula sa Bayan ng Vinzons ang napiling isa sa 10 Most Outstanding Teacher in the Philippines ng Metrobank Corporation.

Nagkaroon din ng mga paligsahan sa lahat ng guro sa elementarya at sekondarya sa pagsayaw at pag-awit. Ipinakita naman ng mga guro ang kanilang angking talento sa naturang paligsahan.

DOLE AND LGU VINZONS TO AWARD LIVELIHOOD EQUIPMENT AND CASH.

Masaya namang tinaggap ng ilang residente ng Bayan ng Vinzons ang mga ipinagkaloob ng Pamahalaang Lokal ng Vinzons sa pangunguna ni Mayor Agnes Diezmo-Ang, katuwang ang Department of Labor and Employment

(DOLE) ang mga materyales at makinarya sa mga maliliit na naghahanapbuhay, partikular na ang mga gumagawa ng kakanin at alak na siya naman pangunahing ikinabubuhay sa naturang bayan.

Isinagawa ni Mayor Ang at DOLE ang nasabing aktibidad bilang bahagi pa rin ng kaniyang layuning matugunan pa at mas lalong mapayabong industriya ng alak at kakanin sa naturang bayan.

Lubos umanong makatutulong ito upang makapagbigay pa ng dagdag pagkakitaan ang mga mamamayan ng Vinzons at makilala rin ang kanilang produkto maging sa labas ng lalawigan.

Laking pasasalamat naman ng mga tumanggap ng tulong mula sa DOLE at lokal na pamahalaan ng Vinzons. Ipinamahagi na rin ng alkalde ang tulong pinansyal sa mga may sari-sari store na kanilang hanapbuhay na umabot sa P4,000 bilang dagdag na puhunan.

Ricky Pera/Edwin Datan Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.