MABINI COLLEGES, KAMPEON MULI SA PSQ PROVINCIAL CHAMPIONSHIP, 2ND, 4TH, AT 5TH PLACE NAIUWI RIN; IKATLONG PWESTO NAKUHA NAMAN NG CNSC!

MABINI COLLEGES, KAMPEON MULI SA PSQ PROVINCIAL CHAMPIONSHIP, 2ND, 4TH, AT 5TH PLACE NAIUWI RIN; IKATLONG PWESTO NAKUHA NAMAN NG CNSC!

Napanatili ng Mabini Colleges (MC) ang kampeonato sa katatapos na Philippine Statistics Quiz (PSQ) Provincial Championship sa pamamgitan ng kanilang kalahok na si Ajigael T. Mayores. Dahil dito, si Mayores na ang awtomatikong kinatawan ng Camarines Norte sa PSQ Regional Championship sa Nobyembre 13, 2014 sa National Economic Development Authority (NEDA) Regional Office V, Legazpi City.

Nagpakitang-gilas muli ang Mabini Colleges sapagkat halos hakutin nito ang panalo ngayon taon. Nakuha ng kanilang kinatawan na si Patricia Jean A. Fajilago ang ikalawang pwesto; Remelyn R. Camelon – ika-apat na pwesto, at Jayson A. Villaluna – panlimang pwesto.

608-2

Ang ikatlong pwesto ay naiuwi ni Maria Cybel A. Mariano ng Camarines Norte State College (CNSC) ngunit tila halos dumaan ang naturang kalahok sa butas ng karayom sa higpit ng kompetisyon. Mahigpit niyang nakalaban dito si Camelon kung saan makailang ulit silang sumailalim sa tie breaking questions ngunit tila walang gustong magpatalo sa kanla kaya sa huli ay laging patas ang kanilang iskor.

Kasunod nito, ang puno ng inampalan na si Musuem Curator I Abel C. Icatlo ay nagpanukala na mag-toss coin na lamang sina Mariano at Camelon na pinapahintulutan sa naturang sitwasyon alinsunod sa PSQ contest rules and mechanics. Sinang-ayunan naman ito ng magkabilang panig kung saan si Mariano nga ang idineklarang nanalo ng ikatlong pwesto at makakasama nina Mayores at Fajilago sa PSQ Regional Championship 2014 sa Legazpi City.

Taun-taon itong itinataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan bilang suporta sa pagdiriwang ng National Children’s Month at National Statistics Month tuwing buwan ng Oktubre.

Samantala, matatandaan din na pitong (7) kinatawan na ng Lalawigan ng Camarines Norte ang nakasali sa PSQ National Competition kung saan isa sa kanila ang nakakuha ng ikalawang pwesto sa PSQ National Championship noong 2003, si G. Joel Abiera na produkto pa rin ng Mabini Colleges.

Dahil dito, inaasahang mas pagbubutihin nina Mayores, Fajilago, at Mariano ang kani-kanilang performances para sa maging kinatawan sa PSQ National Championship sa Metro Manila sa Disyembre 9, 2014

608-3

(Photo Credits:  Elmer De los Angeles)

Lorena Dela Torre-Ibasco/Jing Arriola Calimlim

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *