2 KATAO HULI SA ISINAGAWANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BARANGAY MAGANG BAYAN NG DAET!

2 KATAO HULI SA ISINAGAWANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BARANGAY MAGANG BAYAN NG DAET!

608-2
608-3

Bumagsak sa mga kamay ng otoridad sina John Ventura Reyes, 31 taong gulang at Michael Ducay Jerus, 33 taong gulang, parehong residente ng Lungsod ng Las Piñas matapos mahuli sa isinagawang drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Camarines Norte at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ganap na 11:15 ng umaga nitong Oktubre 3, 2014 nang isagawa ang naturang operasyon sa isang hotel sa Brgy. Magang sa Bayan ng Daet kung saan tumutuloy ang dalawang suspek na pawang mga dayo at sa Daet nagbabagsak ng mga droga. Nang pasukin ng mga otoridad ang kwartong tinutuluyan nina Reyes at Jerus ay nagtangka pa umanong tumakas ang mga ito sa pamamagitan ng pagbasag sa window glass ng CR at tumalon, subalit nasakote pa rin ang dalawa.

Sa tantya ng mga otoridad ay tinatayang nasa mahigit kalahating milyong piso ang naibenta nang droga ng mga suspek matapos na makuha ang listahan ng mga napagbentahan nito.

Nasamsam sa kanila ang 5 maliliit na sachet ng shabu na tinatayang may bigat na 5 grams ang bawat isa, isang malaking sachet na may bigat na 25 grams, P500 mark money, 1 digital weighing scale, at ilang drug paraphernalia.

Sa kasalukuyan ay patuloy na sumasailalim sa imbestigasyon ang mga suspek. Ayon sa dalawa, isang tinatawag “Keno” at isang “Choy” ang kanilang kasama na parehong residente ng Daet at may negosyo sa Maynila. Nakatakda namang sampahan ng kaso ang dalawa na lumabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Photo Courtesy: Ricky Pera)

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.