DRUG RAID, ISINAGAWA NG PDEA AT CIDG SA BARANGAY GUBAT, BAYAN NG DAET; SUSPEK, NAKATAKAS!

DRUG RAID, ISINAGAWA NG PDEA AT CIDG SA BARANGAY GUBAT, BAYAN NG DAET; SUSPEK, NAKATAKAS!


Sinalakay ng pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ilang kinatawan ng barangay, Department of Justice (DOJ), at media ang isang bahay sa Kidlat St., Barangay Gubat, Daet, Camarines Norte bandang alas-dose ng gabi nitong Oktubre 2, 2014.Pakay ng mga otoridad ang suspek na si Sherwin Jalgalado dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga.


Sa pagpasok ng mga otoridad sa naturang bahay ay walang naabutan ang mga ito, at kinalauna’y napagalaman na ang kanilang hinahanap ay tumutuloy sa kanyang mga magulang na nasa likod lamang ng bahay nito.


Nang matunugan naman ni Jalgalado ang paghalughog sa kanyang bahay ay tumakbo ito dahilan upang mag-warning shot ang isa sa mga operatiba ng makita ang suspek, subalit sa kasamaang-palad ay nakatakas ang kawatan.


Sa isinagawa namang raid ay nasabat ang ilang pinaghihinalaang 3 sachet ng shabu na tinatayang nasa 16 na gramo, Shotgun with 9 live ammos, pistol with magazine and live ammos, drug paraphernalia, 2 digital weighing scale, transparent plastic sachet, tooter, at iba pa. Napag-alaman ding may CCTV sa naturang bahay na nagsisilbing surveillance ng suspek.

608-2
608


Si Jalgalado ay may Search Warrant # D-2014-23 na ipinalabas ni Hon. Judge Arniel Dating ng Regional Trial
Court
 (RTC) Branch 41at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


(Photo Courtesy: Ricky Pera)


Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.