SANGGUNIANG PANLALAWIGAN, HIHILINGIN SA DENR NA MAPATALSIK SI MGB RD PESTAÑO!

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN, HIHILINGIN SA DENR NA MAPATALSIK SI MGB RD PESTAÑO!

Lisa ang paninindigan ngayon ng buong Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte hinggil sa kontrobersyal na OIC Regional Director ng Mines and Geosciences Bureau MGB, Theodore Rommel Pestaño.

Nais ng lahat ng miyembro ng naturang hunta probinsyal na mapalitan sa pwesto bilang pinuno ng MGB sa rehiyong Bicol si Pestaño dahilan na rin sa anilay kawalan ng respeto nito umiiral na batas sa lalawigan. Kasama dito ang pagwawalang bahala nito sa mga isyung idinudulog ng SP may kaugnayan sa isyu ng pagmimina sa Camarines Norte, gayundin ang pinangangambahang pagkasira ng pinag kukunan ng inuming tubig ng maraming mamamayan sa lalawigan dulot ng exploration na isinasagawa sa Mt. Labo na binigyan ng pahintulot ng nasabing opisyal.

Bawat kasapi ng SP ay nagbigay ng kani-kanilang saloobin hinggil sa isyung ito sa nakatalikod na special session ng Sangguniang Panlalawigan matapos na hindi na naman ito siputin ni Pestaño. Wala ni anino ni Pestaño ang nakarating sa sesyon maliban sa isang sulat na pinadala nito na nagpapahayag ng kanyang kadahilanan ng hindi pagdalo. Ayun sa sulat, may mahalaga itong dinadaluhang pagpupulong kung kayat hindi ito makakarating.

Ipinatawag ng SP ang naturang opisyal para magbigay linaw sa mga usapin hinggil sa kontrobersyal na Nickle Ore na ibinaba sa Brgy. Larap kamakailan at muling naikarga sa barko papalabas ng lalawigan ng hindi man lamang umano nagbigay respeto sa lokal na pamahalaang panlalawigan para tumalima sa mga umiiral na ordinansa dito hinggil sa pagbubuwis.

Si Pestaño ang nagbigay ng clearance sa may ari ng nasabing shipment kung kayat malaya itong nakaalis sa lalawigan sa kabila ng sulat ng SP sa nasabing opisyal na pigilin ito para sa kaukulang pagsisiyasat o pagtugon sa mga requirements.

SP MEMBERS’ REACTIONS AND SENTIMENTS

Ayon kay Board Member Gerry Quiñonez, may akda ng Prov. Ord. No. 032-2013, hindi sinagot ni Pestaño ang hinggil sa kanilang katanungan hinggil sa kung bakit ito pinayagang makalabas ng naturang opisyal gayung hindi pa ito nakapag lalagak ng bayarin sa Pamahalaang Panlalawigan base sa ordinasa. Nais din hanapan ng exemption ni bokal Gerry ang nasabing kumpanya kung sakaling ito ay talagang hindi saklaw ng ordinansa.

Malakas ang paniniwala ni Quiñonez na smuggled ang natural mga mineral matapos na mapagalaman nika na matagal nang ipinagbabawal ng bansa Indonesia ang pag e-export ng Nickle Ore patungo saan mang bansa. Ayaw ng naturang bokal na maging tambakan ang lalawigan ng mga kontra bando o illegal na produkto.

Iginiit ng bokal na marapat lamang na magsagawa na ng aksyon dito ang sangguniang Panlalawigan hinggil sa patuloy na pagwawalang bahala ng naturang opisyal sa batas ng probinsya.

Marapat lamang anyang ideklara na itong Persona Non Grata lalo pa’t hanggang sa ngayon ay hindi pa rin sinususpinde ng MGB ang exploration permit na ibinigay nito sa isang mining company na nagsasagawa ng eksplorasyon sa kabundukan ng Labo na nasasakop na ang watershed area na pinagkukunan naman ng inuming tubig ng mga maraming mamamayan sa lalawigan.

Ikinairita naman ni bokal Pol Gache ang halos lahat ng dahilan ay nagamit ng ni Dir. Pestaño para lamang huwag makadalo sa mg apagpapatawag ng SP gayung nakakadalo naman umano ito sa mga pagpapatawag ng ibang pamahalaang lokal sa ibang lalawigan sa rehiyon.

Tinukoy ni Gache na ang nasabing opisyal ang pinakaugat ng lahat ng problemang kinakaharap ngayon ng Camarines Norte may kaugnayan sa pagmimina.

Ang anyay kawalan ng pagkilos nito para sa pag convene ng Provincial Mining Regulatoryt Board ang dahilan kung bakit naghihirapan ang mga maliliit na minero sa lalawigan dahilan na rin sa kawalan ng maayos na regulasyon hinggil sa nasabing indutriya, at lumalabas na illegal ang nagiging trabaho ng mga lokal na magmimina dito.

Binanggit na rin ni bokal Gache ang kanyang ngitngit sa ilang malalaking kumpanya ng pagmimina na halos gusto nang kamkamin ang buong lalawigan para sila na lamang ang makapag mina sa yamang mineral ng lalawigan dahilan na rin sa walang pakundangang pagbibigay ng permiso dito ni Pestaño.

Nais din ni Gache na bukod sa resolusyon na mapatalsik bilang pinuno ng MGB ay maideklara din itong Persona Non Grata.

Samantala, sa una, ayaw muna sumama ni Bokal Erwin Lausin sa planong pag dedeklara bilang Persona Non Grata kay Dir. Pestaño. Anya, kinakailangan pa rin humarap sa kanilang sesyon ang naturang opisyal at sakaling maidedekla itong Persona Non Grata, maaari anyang hindi na ito tuluyang sumipot sa kanilang pagpapatawag.

Subalit, sa kanyang pagre-research, tila lumalakas ang kanilang hinala na niloloko lamang ng may ari ng Nickle Ore ang mga opisyal at mamamayan ng Camarines Norte, matapos na mapag alaman sa ilang website na kanyang pinasok ay lumalabas nga na matagal nang hindi nag papalabas ng Nickle Ore ang bansang Indonesia. Sakali anyang mapatunayan ito, marapat na talagang maidekla itong Personan Non Grata bilang parusa sa naging kapabayaan ng opisyal.

Sa panig naman ni Board Member Tessie Malubay, dahil OIC pa lang naman ang katungkulan ni Dir. Pestano, bakit hindi na lamang anya hilingin ng SP sa DENR na magtalaga ng ng isang full pledge Regional Director at hindi nila irerekomenda ang nasabing OIC.

“Masyadong mabigat ang parusang pag dedeklara bilang Persona Non Grata”, ito naman ang reaksyon ni Bokal Pamela Pardo sa harap ng sitwasyon. Marapat lamang anyang iparating lahat sa pinakapinuno ng DENR ang mga ginagawa ng kanilang MGB OIC Director sa ating lalawigan. Kinakailangan anyang sa lalong madaling panahon ay mapalitan na ito bago pa man lamang ito maitalaga bilang full pledge Regional Director, dahil isa itong malaking dagok sa lalawigan kung magpapatuloy pa ito lalo pa’t malinaw na wala itong pagpapahalaga sa kapakanan ng mga mamamayan ng lalawigan ng Camarines Norte. Isang taong may malasakit sa mamamayan anya ang dapat na maitalaga sa naturang posisyon. Inihatintulad pa ni Pardo sa isang magulang si Dir. Pestano, na kung hindi marunong mag-alaga at hindi iniisip ang kapakanan ng kanyang mga anak ay mauuwi sa hindi maganda ang kinabukasan ng mga anak nito.

Pabor naman si Bokal Mike Canlas sa kung anuman ang mapagkakasunduan ng kanyang mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan. Anya, sya mismo, kasama sina bokal Senen Jerez at Renee Herrera na pumunta pa sa Metro Manila upang para lamang makuha ng lalawigan ang nararapat na buwis mula sa nasabing produktong mina na nauwi din sa wala dahilan sa kagagawan ni Pestaño.

Hiniling naman ni Bokal Renee Herrra na lahat sila sa Sangguniang Panlalawigan ay magkakasamang tumungo sa tanggapan ng DENR upang personal na dalhin ang sulat-kahilingan para sa pagpapapalit ng Regional Director ng MGB. Mas mainam anya na magkakasama silang lahat upang maramdaman ng matataas na opisyal ng DENR na seryoso sila at malaking usapin ang kanilang dala na makakaapekto sa mamamayan ng Camarines Norte pag dating ng panahon.

Inisa-isa naman ni Bokal Jay Pimentel ang mga isyu at problemang kinakaharap ng lalawigan na tanging ang nasabing opisyal ng MGB ay dapat na tumugon. Kabilang dito ang pag iisyu ng exploration permit sa Mt. Labo na maaapektuhan ang watershed area, ang kawalan ng minahang bayan, ang problem sa mapanganib at illegal na pagmimina sa sito Maning, ang Nickle Ore na pinayagang makalabas at ilan pang mga usapin na may kaugnayan sa pamumuhay ng mga mamamayan ng lalawigan.

Ayaw din ni Bokal Jay Pimentel na agad agad na maideklara bilang Persona non Grata si Pestaño, dahil napakarami anyang dapat na linawin ito sa kanila.

Malaki rin ang pangamba ni Bokal Pimentel sakali ngang magpatuloy pa ang explorasyon hanggang sa pagmimina sa bundok ng Labo na saklaw ng watershed area. Marahil anya, hindi ito taga Camarines Norte kung kayat tila wala itong malasakit sa mga mamamayan dito. Pabor din naman si Pimentel na mapalitan na si Pestano sa nasabing posisyon.

Samantala, katulad ng lahat, pabor din si Bokal Ramon Baning na mapalitan na ang nasabing OIC Regional Director, subalit mas nararapat din anya na makadalo pa ito sa kanilang sesyon habang hindi pa nangyayari ang pagpapalit dito.

Kinukwestyon naman ni Bokal Senen Jerez kung bakit patuloy ang pagbibigay ng mga Mining Claims ng MGB sa mga large scale miners sa lalawigan. Anya, halos 80% na ng mga Brgy sa Camarines Norte ay may mining claim na. Giit pa nito, mga hindi naman mga taga rito sa lalawigan at mga hindi kilalang mga personahe ang binibigyan ng nasabing mining claims subalit wala namang nakikitang maayos na pagmimina. Kumikita lamang anya ang mga ito sa hindi malinaw na paraan.

Gusto na ring maniwala ni Jerez sa mga usap usapan sa national office at regional office ng MGB na si Pestaño umano ay magaling lamang sa paggawa ng mga dokumento, gumawa ng mga order at instructions para tiyakin lamang at para lang masabi na may ginagawa sya subalit ang katotohanan ay wala naman itong ginagawa. “Task oriented” ayun naman kay Vice Governor Jonah Pimentel. Binanggit ni Jerez si Engr. Rey Juan mula sa bayan ng Vinzons na isa rin sa mga opisyal ng DENR sa rehiyon na maaaring mairekomenda dahil bukod sa pagiging taga Vinzons nito ay kwalipikado ito dahil ito naman anya ay isang full pledge Technical Director.

Ayaw din muna ni Jerez na maidekla bilang persona non grata si Pestaño at kinakailangang umahin muna ang kahilingan sa DENR na mapalitan na ito sa kabiguan nito na ipatupad ang mga batas hinggil sa pagmimina at ang kabiguan na buuin o i-convene ang PMRB na sana’y magsisilbing proteksyon sa kalikasan at magbibigay ng patas na pagkakataon sa mga maliliit na magmimina sa lalawigan.

Isang competent at may respeto sa LGU at malasakit sa mamamayan ang dapat na ipalit sa naturang MGB RD. Tila puno na rin si Jerez sa nasabing isyu dahilan sa anya’y simula nang maupo sila sa loob ng mahigit isa’t kalahating taon ay pinag tutulungtulungan na nila ang nasabing usapin sa kabila ng kanilang kulay pulitika subalit tila mistulang manhid ang naturang opisyal sa kanilang panawagan.

Sa panig naman ni Bokal Romeo Marmol, sapat na ang kanilang binigay na panahon. hindi anya ito mababaw na usapin bagkus ang isang malalim na isyu na hindi pwedeng balewalain.

Ilang buhay anya ang nakasalalay dito, ilang buhay na rin ang nagbuwis dahilan sa mapanganib at illegal na pagmimina sa lalawigan. Makailang ulit na rin anyang tumungo sa mga mining areas ang mga kinatawan ng MGB subalit tila wala naman nagiging pagkilos at nagpapatuloy pa rin sa ganung sitwasyon ang mga maliliit na magmimina. Sa kabila ng pagbubuwis ng buhay hinahayaan lamang umano ng MGB ang ganung sitwasyon.

Nais mag iwan ni Bokal Marmol ng Legacy bilang isang miyembro ng Sangguniang panlalawigan, at dahil hindi naman anya nasa posisyon sa habang panahon, marapat lamang na sa ngayon pa lamang ay matuldukan na ang ganitong kalagayan. Malapit na rin anyang mangyari sa Brgy Casalugan sito Maning ang nangyari noon sa Bulaay kung kayat hindi na dapat ito mangyari pa. marapat anyang manindigan na sa ngayon pa lang ang SP hinggil dito.

Bukod sa pagpapatalsik kay Pestano, nais din ni Bokal Marmol na maideklara ding Persona Non Grata ang naturang opisyal ng MGB.

Bago ang personan nongrata, nais naman ni Bokal Bong Quibral na bigyan muna ng ultimatum ang nasabing opisyal, possible anyang may mas mataas pang opisyal ito na nag pepressure sa kanya, mas mahalaga pa rin anyang makausap ito ng Sangguniang Panlalawigan.


SMUGGLED NICKEL ORE?


Nais naman mapaimbestigahan ni Vice Governor Jonah Pimentel sa Nationa Bureau of Investigation NBI, ang hinggil sa mga sapantaha na posibleng Hot Item o smuggled ang Nickel Ore na pansamantalang inilagak sa Brgy Larap Jose Panganiban. Kung totoo anya ang lumalabas sa research ni Bokal Erwin Lausin na nagbabawal sa endonesia na mag export ng nickle ore, marapat lamang na mabigyan linaw ito. Plano ng bise gobernador na magpadala ng tao ang Sangguniang Palalawigan o mismong sila sa embahada ng Indonesia sa Pilipinas upang malaman ang authenticity ng mga dokumentong naging batayan ng MGB para payagan itong makaalis ng Jose Panganiban. Anya, kung totoo man ang ban, nangangamba si Vice Governor Pimentel na magamit o nagagamit lang an gating lalawigan na bagsakan ng illegal na produkto. Hindi rin anya mawawala ang posibilidad na isa itong uri ng Mineral Laundering o nangangahuklugan na isang illegal na mineral, ipapasok sa Pilipinas, gagawan ng panibagong dokumento bago itatransport patungo sa destinasyon na malinis na ang dokumento.

Nangangamba rin ang bise gobernador na magkaroon ng lamat ang relasyon ng Pilipinas sa Indonesia kung sakaling nagiging instrument tayo sa ganitong uri ng illegal na pagpapalabas ng produktong Nickle mula sa kanilang bansa.

Napagkasunduan ng Sangguniang Panlalawigan na ituloy na an gang pagsasagawa ng resolusyon na humihiling sa DENR na mapalitan na si OIC Dir. Theodore Rommel Pestaño sa nasabing posisyonat isa pang resolusyon para mapaimbestigahan ang nasabing dokumento na nagmula sa embahada ng bansang Indonesia.


Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.