AKYAT-BAHAY, HULI SA AKTO HABANG NAGNANAKAW SA BRGY. POBLACION NORTE SA BAYAN NG PARACALE!

AKYAT-BAHAY, HULI SA AKTO HABANG NAGNANAKAW SA BRGY. POBLACION NORTE SA BAYAN NG PARACALE!

Ikinatuwa ng mga residente ng Brgy. Poblacion Norte sa Bayan ng Paracale ang pagkakahuli ng isang batikang akyat bahay sa akto ng kanyang pagnanakaw.

Ang suspek ay kinilalang si Emman De Lemios na mayroon ng nakaraang kaso ng pagnanakaw at kabi-kabilang reklamo ng robbery. Ayon sa mga otoridad bandang alas-2 ng madaling araw kanina Oct 8,2014, nakapansin ng kakaibang ingay ang residenteng si Bentot Buenaflor sa bakanteng bahay na nasa tabi lamang nila, ng kanyan usisain nakita niya sa loob ang suspek na si Emman De Lemios na nililimas ang mga kagamitan sa loob ng bahay kung kaya’t agad silang tumawag ng tanod at agaran hinuli sa akto ang nasabing suspek.

Batay pa sa ulat dumaan sa likod ng bahay at binutas ang hagdan upang siya ay makapasok sa loob, natagpuan din ang ilang kagamitan kagaya ng kutsilyo at tubo na hinihinalang ginamit sa pwersahan pagpasok.

Maari naman umanong makipag ugnayan sa PNP-Paracale ang iba pang mga naging biktima ni Emman De Lemios kung saan kasalukuyan nakapiit ngayon at inihahanda ang kaukulang kaso laban dito.

608-2
608-4
608

Rio Paliza

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.