HON. RICARTE PADILLA Mayor, Jose Panganiban
Isang tagumpay sa panig ng Pamahalaang Lokal ng Jose Panganiban at sa mga mamamayan nito ang katatapos na Mambulawan Festival sa naturang bayan nito lamang Setyembre 26 hanggang Oktubre 7, 2014.
Ib’at ibang programa ang inihanda ng LGU Jose Panganiban sa Pangunguna ni Mayor Ricarte “Dong” Padilla sa loob ng humigit kumulang labing dalawang araw.
Bago pa man lamang ang aktibidad, maaga nang pinasimulan ang mga palaro na bahagi pa rin ng Mambulawan Festival katulad ng Basketball, Lawn Tennis at Volleyball, na pinasimulan buwan pa lamang ng Agusto.
Maliban pa sa tradisyunal na street dancing at DLC/DBC Competition, samu’t saring palaro at aktibidad pa ang matagumpay na naisagawa kasama na ang pag bisita ng ilang mga celebreties.
CLICK –> TO SEE PROGRAM OF ACTIVITIES
Bahagyang nagkaroon ng pagbabago sa mga programa para sa mga mamamayan ng Jose Panganiban, ito ay ang pagbabawas ng mga pananalita ng mga pulitiko o mga opisyales ng bayan. Ayun kay Mayor Dong Padilla, maging sya ay hindi na rin nagsalita sa isinagawang Barangay Night Grand Fiesta Ball upang iparamdam sa mga mamamayan ng Jose Panganiban at sa kanilang mga bisita na ang nasabing okasyon ay para sa kanila, upang ma-enjoy nila ang buong okasyon na walang mga mahahabang pananalita mula sa mga pulitiko.
Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Dong Padilla sa mga mamamayan ng Jose Panganiban sa suportang ibinigay nito sa pamahalaang lokal sa matagumpay na aktibidad.
Tiniyak din ni Mayor Padilla na sa susunod na taon ay darating na ang kanyang pamangkin na si Daniel Padilla para maging bahagi ng Mambulawan Festival at Jose Panganiban Town Fiesta.
Nitong nakatalikod na aktibidad, hindi nakarating ang batang aktor sa Artista Night dulot ng punong punong schedule at commitment nito sa kanyang trabaho.
Sa ngayon, ayun sa alkalde, malaki na ang tsansa na makarating na ang kanyang pamangkin dahilan sa isang taon pa bago ang okasyon ay ipapa-book na nya ito para na rin sa ikasisiya ng kanyang mga kababayan partikular ang mga kabataan.
Nagpasalamat din ang alkalde sa kanilang patron Nuestra Sra. Del Rosario sa patuloy na paggagabay nito sa kanyang mga kababayan at sa buong bayan ng Jose Panganiban.
Camarines Norte News