Nakatakdang isagawa sa mga susunod na araw ang 3rd and final reading ng Citation Ticket Ordinance na planong ipatupad ng Local Government Unit of Daet (LGU-Daet).
Ito ay matapos na isagawa ang Public Hearing kamakailan hinggil sa naturang ordinansa na kung saan nahahati ito sa tatlong sangay at tutugon sa problema sa kalinisan, trapiko, at permits and licenses ng mga establisyimento.
Sa naturang ordinansa ay magkakaroon ng kinatawan ang Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng mga sibilyan, ilang mga opisyal ng barangay, at kapulisan na siyang magpapatupad ng batas. Berde ang magiging kulay para sa mga tagapagpatupad ng batas sa Kalikasan, Pula para sa trapiko, at Dilaw naman para sa permits and licenses.
Sa mga mahuhuli namang lalabag ay magbibigay lamang ang LGU-Daet ng 5 araw para asikasuhin ang mga kaukulang kinakailangan multa at kung ito naman ay lalagpas sa itinakdang mga araw o hindi makatutugon ay haharap na ito sa mga legal na usapin.
Camarines Norte News