Idineklarang panalo bilang Board of Director ng Camarines Norte Electric Cooperative, CANORECO sa distrito ng Mercedes matapos na walang maging katunggali si Ginoong Juanito Palmero sa nakatalikod na eleksyon nitong araw ng Sabado, Setyembre 11, 2014.
Sa panuntunan ng National Electrification Administration, NEA sa district election ng mga Electric Cooperative, kinakailangang makakala pa rin ng 100 boto ang sinumang kandidato sakaling wala itong makalaban. Lumagpas sa nasabing bilang ang boto ni Palmero kung kaya’t agaran din itong idineklara ng mga tumayong COMELEC sa naturang eleksyon bilang opisyal na nanalong BOD sa distrito ng Mercedes.
Samantala, maganda naman ang naging takbo ng halalan sa distrito ng Daet-San Lorenzo Ruiz noong araw ding yaon.
Kapwa puspusan ang kampanya ng magkatunggaling sina Dario Pura at Leonardo Silvio ilang araw bago pa man ang eleksyon.
Sa resulta ng eleksyon, lumamang ng 159 na boto si Pura kontra kay Silvio, sa score na 647-488. Agaran din ang naging deklarasyon ng mga tumayong COMELEC kay Pura matapos ang bilangan.
Simula ngayong araw, ganap na ang pagiging lihitimong miyembro ng hunta direktiba ng CANORECO nina Juanito Palmero at Dario Pura.
Sa ngayon ay napunan na ang dalawa pang nabakanteng posisyon sa CANORECO, at nakatakda na rin sa mga susunod pang buwan ang eleksyon naman sa iba pang distrito na ganap na kukumpleto sa kabuuang bilang nito.
Sa darating na sabado, Sept. 18, 2014, nakatakda rin ang eleksyon sa distrito ng Paracale at halos nakatitiyak na ang nag-iisang kandidato si Edwin Lamadrid.
Narito ang kasalukuyang mga miyembro ng CANORECO BOARD;
President : Dir. Bonifacio Argarin – Sta Elena
Vice President : Dir. Marcial Ferrer – Vinzons
Secretary/Treasurer : Dir. Engr. Benny Elevado – Daet North
Members : Dir. Dario Pura – Daet South-SLR
Dir. Juanito Palmero – Mercedes
Camarines Norte News