Mariing itinanggi ni Kagawad Ferdinand Pla ng Barangay I sa Bayan ng Daet ang hinggil sa issue ng kontrobersyal na baku-bakong kalsada na hindi pa naisasaayos sa loob ng matagal ng panahon hanggang sa ngayon.
Nauna nang nakapagpasa ng resolusyon ang konseho ng Brgy 1 hinggil sa kahilingan na maipaayos ang nasabing kalsada.
Sa isinagawang Barangay Assembly kahapon sa Barangay I, nagpaliwanang si Kagawad Pla na wala umano sa kanya ang pondo para sa naturang pagsasaayos ng mga daan na nagkakahalaga ng P50,000. Hindi rin umano nya hawak ang naturang halaga at pinasinungalingan ang mga akusasyon ng pagbubulsa nito.
Bunsod ito ng mga usap-usapan sa kanilang Brgy na nakarating sa kanya na base sa impormasyon ay sya daw, diumano, ang nag bulsa ng naturang limampung libong pisong pondo (50K)
Natatawa na lamang si Kgd Pla sa naturang isyu dahilan anya hindi naman babagsak sa kaninumang kagawad ng Brgy ang pondo kung sakaling may dumating man.
Sa follow up ng Camarines Norte News kay Punong Brgy Cristina Rano, sinabi nito na wala pa namang dumarating na pondo para sa repair ng naturang kalsada, subalit sinabi nito na mayroon nang dumating na pondo mula sa Pamahalaang Bayan ng Daet ngunit ito naman ay ginamit para sa isang proyekto katabi ng Barangay Hall.
Sa ngayon ay patuloy silang naghihintay ng pondo naman para sa nasabing kontrobersyal na kalsada ng kanilang brgy.
Matatandaang inakyat na rin ang usaping ito sa Sangguniang Bayan na kung saan napagdesisyunan ang paglalaan ng pondo sa nasabing proyekto, subalit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring linaw kung kailan ito darating.
Ayun naman sa panayam kay Kgd Ferdinand Pla ng Kadamay Network PBN-DZMD, wala syang anumang katiwaliang ginagawa at sa halip ay sya pa ang gumagawa ng paraan para makakuha ng pondo ang kanilang Brgy para sa nasabing matagal nang inirereklamong kalsada.
Sinabi din nito na mayroong isang opisyal ng Brgy na gumagawa umano ng anomalya at kanila na itong pinaiimbestigahan. Meron na umano syang hawak na ebidensya na magpapatunay sa kanilang hinala laban sa hindi pa binabanggit na opisyal ng kanilang Brgy.
Camarines Norte News
(Photo credits: Barangay 1 Facebook account)