GOV. TALLADO, NAGING EMOSYONAL SA IPINATAWAG NA PRESSCON KAUGNAY NG PAGKAWALA NG MAYBAHAY! CCTV FOOTAGE SA ISANG HOTEL SA NAGA NA POSIBLENG TINULUYAN, BINUSISI NA!

GOV. TALLADO, NAGING EMOSYONAL SA IPINATAWAG NA PRESSCON KAUGNAY NG PAGKAWALA NG MAYBAHAY! CCTV FOOTAGE SA ISANG HOTEL SA NAGA NA POSIBLENG TINULUYAN, BINUSISI NA!

Hindi napigilan ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado na maging emosyonal sa pagharap nito sa media sa ipinatawag na press conference kaninang umaga kaugnay ng pagkawala ng may bahay nito na si Mrs. Josie Tallado at ang kanyang aide na si Darlene Francisco.

Kasama ang kanilang anak na si Alvin, nanawagan ang gobernador sa publiko na irespeto ang kanilang pinagdaraanan at iwasan muna ng publiko na magkomento ng kung anu-anong espekulasyon.

Anya, marami na silang pinagdaanan na pagsubok ng kanyang maybahay subalit nalagpasan nila ito at sa pagkakataong ito, ito na ang pinakamabigat na pagsubok sa kanilang buhay.

Kung kinakailangan anyang sya mismo ang maghanap sa kanyang misis ay kanyang gagawin, habang tiniyak nito na magpapatuloy pa rin sya sa kanyang serbisyo sa mamamayan bilang gobernador bagamat hiningi nito ang pang-unawa sa kanyang problemang emosyonal sa ngayon.

608-couple

Malakas ang paniniwala ni Tallado na buhay at makakapiling din nila ang kanyang maybahay sa mga susunod na araw.

Nanawagan din ang gobernador sa media at sa publiko na tulungan sya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga impormasyong anumang kanilang malalaman hinggil dito.

Nagpasalamat din si Tallado sa Media at lahat ng mga nagmamalasakit at nag aalala sa kanilang kalagayan sa ngayon.

Nasa tabi ng punong lalawigan sa naturang press conference sina Vice Governor Jonah Pimentel, at mga miyembro ng sangguniang Panlalawigan, Provincial Administrator Joey Boma, Atty.. Adan Botor, Mayor Joseph Ascutia ng Labo at Mayor Jun Davucol ng Basud Provincial Tourism Officer Atty. Debbie Francisco (tiyahin ni Darlene) at ilan pang mga Department Head ng kapitolyo upang damayan ang gobernador sa pinag dadaanan nito.

608-prescon

Pinangunahan nina PIO Jing A. Calimlim at RNB Station Manager Ivy C. Garcia ang nasabing pulong balitaan na dinaluhan ng mga Local and National Media.

Sa nasabing pulong balitaan, si PNP Provincial Director Moises C. Pagduan ang tumayong tagapagsalita ng gobernador dahilan na rin sa labis na emosyon na nararamdaman nito.

Tiniyak ni PD Pagaduan na puspusan ang kanilang isinasagawang imbestigasyon at kumikilos na rin ang kanilang binuong Special Investigation Task Force na tinawag na “Task Force Josie”.

Wala pang nakikitang anggulo ng kidnaping ang sina Pagaduan dahilan na rin sa wala pa naman anyang anumang filler na pinadadala sa kampo ng Tallado.

BASAHIN ANG BUONG DETALYE  NG PAGKAWALA NINA GINANG TALLADO (<– I-CLICK)

CCTV SA ISANG HOTEL SA NAGA, BINUBUSISI NA MGA AWTORIDAD AT NG PAMILYA NINA GINANG TALLADO AT BB. FRANCISCO.

Samantala, personal nang tinungo ni Alvin Tallado, anak ni Josie at Gov. Egay Tallado at Atty. Debbie Francisco, tiyahin ni Darlene, ang isang Hotel sa lunsod ng Naga na sinasabing tinuluyan kamakalawa ng gabi ng dalawang hindi pa nakikilalang mga babae. Ito ay upang tingnan ang CCTV Footage ng hotel upang malaman kung totoong ito na nga sina Ginang Josie Tallado at Darlene Francisco na tumuloy doon.

Hinala ng ilan, posibleng ito na umano hinahanap na mga personahe base na rin sa pagsasalarawan ng mga nakakita sa mga ito.

Gayunpaman, hanggang sa isinusulat ang balitang ito, (Oct. 21, 2014, 5:00pm) hindi pa nabatid ng Camarines Norte News kung ano ang naging resulta ng pagsisiyasat sa nasabing CCTV Footage.

Narito naman ang numero ni PD Moises Pagaduan sakaling may mga impormasyong nais na ipaabot kaugnay ng usapin. Globe 0917.624.1963 / Smart 0999.938.1990 / Suncel 0942.824.1963.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *