9th ID, MAS PINALAKAS ANG SECURITY OPERATIONS SA HARAP NG SERYE NG PANLILIKIDA NG MGA REBELDENG NPA SA REHIYON!

9th ID, MAS PINALAKAS ANG SECURITY OPERATIONS SA HARAP NG SERYE NG PANLILIKIDA NG MGA REBELDENG NPA SA REHIYON!

Nagpalabas ng direktiba si Major General Yerson E. Depayso, Commander ng 9th ID Philippine Army (PA) na palakasin ang isinasagawang security operations sa harap umano ng serye ng pamamaslang at agresibong pagkilos ng mga miyembro ng New People’s Army.

Araw ng Sabado, Oktubre 18, 2014, ganap na alas 8:50 ng gabi, ng barilin at napatay sa Garchitorena Camarines Sur ang isang Nilo Roldan, dati umanong miyembro ng CAFGU Active Auxillary ng Pwersa Armada. Bago ito, matatandaang kamakailan nitong buwan lamang, dalawang miyembro ng CAFGU ang nilikida, na kinilalang sina Edwin Nazarionda aka “Marjorie, isang dating rebeldeng sundalo sa Mabalodbalod, Tigaon, Camarines Sur at CAA Jesus Calaunan, isa ring dating rebelde sa Abacay Pilar , Sorsogon na nagtamo ng labing isang (11) tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Magugunita rin noong Oktubre 10, 2014, isang CAA Riquery Neo naman habang dadalhin sa hospital ang kanyang anak ang umano’y binihag ng mga rebelde subalit pinakawalan din kinabukasan.

Kamakalawa rin, alas dyes ng umaga, habang nagsasagawa ng pursuit operation ang grupo ng 49th IB laban sa mga nambihag, nakaengkwentro ng mga sundalo ng pamahalaan ang humigit kumulang limang umano’y mga rebeldeng NPA sa Brgy. Salvacion, Ragay, Camarines Sur. Wala namang napaulat na namatay o nasugatan sa naturang engkwentro.

Itinagubilin ni General Depayso sa kanyang mga tauhan na maging alerto lalo’t higit kung sila ay nasa labas ng kampo at walang dalang armas, dahilan na rin sa posbileng maging madali ito para sa mga rebelde na sila ay likidahin.

Sa ngayon ay pinagpapatuloy ng Tropa ng militar ang pagpapaigting ng kanilang operasyon sa kabila ng pagkakatalaga ng iba nilang tropa sa evacuation sa permanent danger zone dulot naman ng pag aalburuto ng Bulkang Mayon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *