BUNGA NG SISTERHOOD NG VALENZUELA AT VINZONS, DYARYO BAG MAKING TRAINING, ISINAGAWA SA BAYAN NG VINZONS!

BUNGA NG SISTERHOOD NG VALENZUELA AT VINZONS, DYARYO BAG MAKING TRAINING, ISINAGAWA SA BAYAN NG VINZONS!

608-1
608-2

Isinagawa sa bayan ng Vinzons kaninang umaga ang “Dyaryo Bag Making” sa pamamagitan ng dalawang araw na seminar and training na pinangasiwaan ng mga kawani ng Pamahalaang Panglunsod ng Valenzuela noong araw ng Lunes, Oct 20 hanggang Oct 21 2014.

Itinuro ng mga kawani ng Pamahalaang Panglunsod ng Valenzuela kung paaano magiging kapakipakinabang na bagay ang isang lumang dyaryo na karaniwan ay itinatapos na lamang.

Sa pamamagitan ng paghahabi, pagsasalansan, pagtatahi hanggang sa pagtiklop ng dyaryo, gagawan na ito ng disenyo na isang eleganteng Bag at tsaka pipinturahan.

608-5

Dinaluhan naman ng mga kababaihan ng bawat barangay ang naturang pagsasanay sa loob ng dalawang araw ay nakabuo sila ng ibat ibang disenyo ng bag na mula sa dyaryo.

Ikinatuwa naman ni Mayor Agnes Diezmo-Ang na mabilis na natuto ang kanyang mga kababayan at magiging daan ito upang magkaroon ng dagdag na hanapbuhay ang kanyang mga kababayan.

Nangako naman si Mayor Agnes ng buong suporta sa pangangailangan ng mga kababaehan na sumailalim sa naturang pagsasanay upang maituro din nila ito sa kanilang barangay at pakapagsimula ng sariling dagdag pagkakakitaan.

Nagpasalamat muli ang alkalde sa Pamahalaang Panglunsod ng Valenzuela dahil sa tulong na ito na ipinagkaloob sa kanila.

Ito ay una pa lamang na tulong ng Valenzuela sa bayan ng Vinzons na bunga ng paglagda ni Mayor Agnes D. Ang sa sisterhood agreement ng Vinzons at ng Pamahalaang Panglunsod ng Valenzuela na pinamumunuan ni Valenzuela City Mayor Rexlon T. Gatchalian na kinatawan naman ni Cong. Sherwin Gachalian na dati ring alkalde sa naturang lungsod.

608-4

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.