JOSIE TALLADO AT GOB. EDGARDO TALLADO, PINAGHARAP NG DILG KAHAPON, GINANG TALLADO, NAGPADALA LAMANG NG KINATAWAN!

JOSIE TALLADO AT GOB. EDGARDO TALLADO, PINAGHARAP NG DILG KAHAPON, GINANG TALLADO, NAGPADALA LAMANG NG KINATAWAN!

Muling nabuhayan ng loob ang ilang mga umaasa sa pagkakaayos ng mag-asawang Josie Tallado at Gob. Edgardo Tallado. Ito ay matapos na mapaulat magkaroon ng pagkakataon na personal na makapag-usap ang dalawa kagabi.

Sa pinakahuling ulat na lumabas, sa pamamagitan lamang ng kinatawan ang naging representasyon ni Ginang Tallado sa ipinatawag ni DILG Sec. Mar Roxas kahapon, tanging si Gobernador Tallado lamang umano ang dumating sa nasabing pagpapatawag.

Ayon kay Atty. Kapunan, mas gugustuhin ng kanyang kliyente na isa-pribado na lamang ang mga susunod pa nitong hakbang upang agad nang matapos ang mga naturang usapin at matigas pa rin ang paninindigan ng ginang na makipag-hiwalay nang tuluyan sa asawa. Nauna nang sinabi ni Josie Tallado na sa ngayon ay tila nakakaramdam na sya ng bahagyang kaginhawahan at kalayaan ngayong wala sya sa poder ng Gobernador.

Sa mga unang panayam kay Atty. Kapunan, sinabi nito na magsasampa sila ng kasong paglabag sa Anti-Domestic Violence Law dahil dumaan ang kanyang kliyente sa emotional at psychological trauma kahit na hindi umano dumanas na pisikal na pananakit ang unang ginang, at bukas din ang posibilidad ng pagsasampa ng kasong concubinage laban kay Tallado. Bagamat mas ninanais nito na maayos na lamang ang gusot ng mag-asawa, subalit bandang huli, ang kanyang kliyente pa rin ang masusunod hinggil sa kung ano ang magiging desisyon nito.

Nagbigay na rin ng pahayag ang simbahang katoliko sa lalawigan hinggil sa gusot na kinasasangkutan ng mag-asawang Tallado.

Sa homily ng misang pinangunahan ni Bishop Gilbert A. Garcera sa kapistahan ni San Rafael de Arkanghel ng Bayan ng Basud ngayong araw, nakiusap ang obispo na kung maaari ay itigil na umano ang mga usaping hindi nakatutulong upang maayos ang kinakaharap na pagsubok ngayon ng unang pamilya ng Camarines Norte.

Hinimok din ni Bishop Garcera na ipagdasal na lamang ang mga ito upang malagpasan ng mga ito ang ang krisis na kinakaharap sa loob ng pamilya.

Matatandaang nag ugat ang away-mag asawa ni Ginang Josie Tallado at Gob. Edgardo Tallado ng dahil sa isang diumano’y sex video at malaswang larawan ng isang babae kasama ang Gobernador na humantong naman sa pag-alis at paglutang ni Ginang Tallado sa National TV ilang araw matapos itong akalaing nawawala.

Ngayon umaga rin, mas lalong lumala ang pagkalat ng mga larawan ng gobernador kasama ang isang babae sa internet na umaani ngayon ng matinding pagbatikos mula sa mga netizens.

Sa kabila pa rin ng ganitong sitwasyon, sinabi ng mga malalapit sa gobernador na muling susuyuin ni Gov. Tallado ang kanyang maybahay at bubuuhing muli ang nasirang relasyon. Malakas pa rin ang paniniwala nito na maayos nila ang gusot na kinapapalooban ng bilang mag asawa.

Camarines Norte News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *