BAHAY NI DARLENE FRANCISCO SA BAYAN NG VINZONS, NILOOBAN!

BAHAY NI DARLENE FRANCISCO SA BAYAN NG VINZONS, NILOOBAN!

Nilooban ng mga di pa nakikilalang suspek ang bahay ni Darlene Mitchel Francisco sa tirahan nito sa San Roque Street, Barangay III, Poblacion, Vinzons, Camarines Norte bandang 7:30 ng umaga kahapon (Oktubre 27, 2014).

Sa inisyal na imbestigasyon ng MPS-Vinzons sa pangunguna na ni PCI Domingo Sario, Jr., Chief of Police, bandang 7:40 AM ng magtungo sa kanilang tanggapan ang isang Atty. Ludivina G. Francisco upang iulat ang isang insidente ng diumano’y pagnanakaw sa bahay ng kanyang pamangkin na si Darlene Francisco.

Sa pagtungo ng mga otoridad sa naturang tahanan upang magsagawa ng pag-iimbestiga na pinangunahan nina PCI Sario, Jr. at PO3 Romulo A. Ocol, Jr. (investigator), napag-alamang nilooban ng mga suspek ang 3 kwarto at natagpuang nakakalat pa ang mga gamit sa sahig. Pinaghihinalaan ding nakapasok ang mga kawatan sa pamamagitan ng pagsira ng jalousie ng bintana sa bahagi ng kusina at lumabas sa mismong main door na naabutan nilang nakabukas.

Isa ring nakatawag-pansin sa mga otoridad ay ang nakasulat sa isa sa mga pinto ng kwarto kung saan mababasa ang mga salitang “WAG KANG UUWI PATAY KA.” GOB.”.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin matukoy ng MPS-Vinzons ang mga nawawalang kagamitan dahil na rin sa hindi pa umuuwi ang nakatira rito na si Darlene Francisco.

Na-rekober naman sa naturang lugar ang isang Apple IPhone 5s na Pink at isang Apple IPhone 5c na naibigay naman kay Atty. Francisco. Ang iba namang mga ebidensyang natagpuan ay nasa pangangalaga na ng Scene of the Crime Operation (SOCO) upang siyasatin at pag-aralan.

608
608-2

                                                                         (Blotter report of the incident)

Camarines Norte News

Related Stories:

JOSIE TALLADO, LUMUTANG NA SA PUBLIKO! PERSONAL NA ISSUE, DAHILAN NG PAGLAYAS; KAMPO NI GOB. TALLADO, SINAGOT ANG ISYU!

JOSIE TALLADO AT GOB. EDGARDO TALLADO, PINAGHARAP NG DILG KAHAPON, GINANG TALLADO, NAGPADALA LAMANG NG KINATAWAN!

GOB. TALLADO, BALIK-TRABAHO NA; NAGBIGAY NG MENSAHE HINGGIL SA KONTROBERSIYANG KINASANGKUTAN!

Leave a Reply

Your email address will not be published.