4 PATAY, 2 SUGATAN SA VEHICULAR ACCIDENT SA MAHARLIKA HIGHWAY, BAYAN NG VINZONS!

4 PATAY, 2 SUGATAN SA VEHICULAR ACCIDENT SA MAHARLIKA HIGHWAY, BAYAN NG VINZONS!

608-1
608-3
608-4

Vinzons, Camarines Norte (Oktubre 29, 2014) – Trahedya ang sinapit ng 6 na katao matapos masangkot ang mga ito sa isang aksidente sa Sitio Lico 1, Sto. Domingo, Vinzons, Camarines Norte kaninang 12:15 ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Philippine National Police – Vinzons, habang binabagtas ng mga biktima ang Maharlika Road sa bahagi ng Bayan ng Vinzons sakay ng Toyota Hilux na may plakang UXI 886 galing sa Bayan ng Daet at patungo sa Bayan ng Labo ay nawalan umano ng kontrol ang drayber nito dahil sa madulas na kalsada dulot ng pag-ulan.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay sumalpok ang sasakyan sa isang malaking puno at bumangga pa sa pader ng provincial motor pool.

Agad namang rumesponde at sumaklolo ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

608-a
608-b

Sugatan sa aksidente ang mga biktimang dinala agad sa Leon Hernandez Hospital sina Kevin Villamonte, 25 taong gulang, walang asawa, mula sa Happy Homes Greenview Subdivison, Daet, at siyang nagmamaneho ng sasakyan, at isang Private Nurse na si Rosalyn M Tuazon, 25 taong gulang, residente ng San Jose St, Sampaloc, Manila na kasalakuyang ginagamot sa naturang pagamutan.

608-c
608-d

Kasama naman sa mga hindi pinalad na makaligtas sa aksidente at idineklarang Dead on Arrival sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH)  ang dalawang apo ni Provinicial Board Member Teresita Malubay na sina Jhed Rayven Malubay de Guzman, 12 taong gulang, at Mattew Abiel Go de Leon, 14 na taong gulang.

Kasama rin sa mga nasawi sina Lysa Antoinette M. Azanza, 25 taong gulang, Private Nurse, at Jack Dacuba, nagtatrabaho sa isang farm ng mga Villamonte at mula sa Camarines Sur.

608-5
608-6
608-7
608-8
608-9
608-e

Samantala, dinala na ang mga labi ng mga nasawi sa morgue ng Funeraria Orcena sa Barangay 2 Daet, Camarines Norte.

Mananatili naman sa himpilan ng MPS-Vinzons ang sasakyang nasangkot sa aksidente.

(photo credits: Danilo Deo Trinidad, Kikay Malubay, Ricky Pera)

Edwin Datan, Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.