BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, AT STA. ELENA, GINAWARAN BILANG ISA SA OUTSTANDING ACCOUNTING OFFICES SA BUONG PILIPINAS!

BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, AT STA. ELENA, GINAWARAN BILANG ISA SA OUTSTANDING ACCOUNTING OFFICES SA BUONG PILIPINAS!

Jose Panganiban, Camarines Norte (Oktubre 29, 2014) – Ginawaran ng Association of Government Accountants of the Philippines (AGAP) ang Bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte bilang Outstanding Accounting Offices sa buong Pilipinas para sa Calendar Year 2013 sa ilalim ng Local Government Units category.

Ang naturang parangal ay iginawad sa AGAP National Convention na isinagawa sa Baguio City mula October 21 hanggang 24, 2014. Mayroong 4 na kategorya ang nasabing parangal na kinabibilangan ng “Hall of Fame”, “National Government Agencies”, “Local Government Units”, at “Government Owned or Controlled Corporations (GOCCs)”.

Sa ilalim ng LGU category, mayroon namang 3 sub-categories: “Province” na nakuha ng Lalawigan ng Bataan, “City” na nakuha ng Balanga City, Bataan, at “Municipalites” na nakuha ng Baler, Aurora, Obando, Bulacan, Jose Panganiban, Camarines Norte, at Santa Elena, Camarines Norte.

Ang pagbibigay ng Outstanding Accounting Offices ng AGAP ay nakabase sa pagpapasa ng tama at kumpletong 2013 financial reports, alinsunod sa audit finding at maagang pagpapatupad ng Public Financial Management (PFM).

Sa panayam kay Mayor Ricarte Padilla na Jose Panganiban, ito anya ay isa na namang pagkilala sa Bayan ng Jose Panganiban. Anya, isa lamang umano itong patunay sa pagiging responsable at tapat ng local na pamahalaan ng Jose Panganiban pagdating sa usapin ng mga dokumentadong financial reports ng LGU-Jose Panganiban. 

Pinasalamat din ng alkalde ang lahat ng empleyado na patuloy na naglilingkod ng tapat, at siniguro rin nito na ipagpapatuloy ang ganitong uri ng serbisyo-publiko para sa mga mamamayan ng Jose Panganiban.

Matatandaang tinaggap din ni Mayor Padilla ang “Most Outstanding Mayor of the Philippines 2014 award nitong nakatalikod na buwan ng Marso na iginawad ng prestihiyosong Superbrands Marketing International (SMI) sa mga natatanging lingkod-bayan.

6081
608

Ang mga bumubuo sa Municipal Accounting Office (MAO) ng LGU – Jose Panganiban:

Municipal AccountantChristine Sucgang Napa

Accounting Clerk III:  Paz Pocsedio

Bookkeeper IEmmelou Bantados

Accounting Staff: Nelly E. Villacruel, Rizh Roldan, Shirley Tardecilla, Katrina Michelle, Jean Reyes and Rossini Hitomo Ubaña

(photo credits: www.gap.org.ph)

Edwin Datan, Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *