ALVIN TALLADO, SUMAMA SA MULTI-SERVICES CARAVAN; HUMINGI RIN NG KAPATAWARAN MULA SA PUBLIKO PARA SA KANYANG AMA!

ALVIN TALLADO, SUMAMA SA MULTI-SERVICES CARAVAN; HUMINGI RIN NG KAPATAWARAN MULA SA PUBLIKO PARA SA KANYANG AMA!

Jose Panganiban/Paracale, Camarines Norte (Oktubre 30, 2014) – Binasag na ni Alvin Tallado, ang nag-iisang anak ni Gov. Edgardo Tallado at Unang Ginang Josefina Tallado ang pananahimik nito kaugnay ng kinasangkutang kontrobersiya ng kanilang pamilya.

Sa Provincial Multi-Services Caravan na isinagawa sa Santa Rosa Sur, Jose Panganiban, Capacuan, Paracale, at Batobalani, Paracale ngayong araw (Oktubre 30, 2014), nagsalita na si Alvin Tallado sa unang pagkakataon sa harap ng publiko at nakiusap na kung maaari ay mapatawad na sana ang kanyang ama sa mga nagawa nito. Nanawagan din ito na patuloy pa umano sanang suportahan at mahalin ang gobernador ng lalawigan.

Hindi lingid sa kaalaman ng nag-iisang anak ng first couple ng Camarines Norte ang pagsubok na hinaharap ng pamilya subalit pinilit nitong hindi magsalita simula ng pumutok ang kontrobersiya.

Sa unang pagkakataon din na pagsama ni Alvin Tallado sa naturang aktibdad ay ginampanan niya ang pamimigay ng sapin sa paa o tsinelas na siyang karaniwang ginagawa ng kanyang ina sa tuwing ito’y sumasama sa lingguhang Caravan.

608
608-2

Edwin Datan, Jr./Ricky Pera

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.