NOTORIOUS NA DRUG PUSHER SA BAYAN NG PARACALE, NADAKIP NG MGA OTORIDAD!

NOTORIOUS NA DRUG PUSHER SA BAYAN NG PARACALE, NADAKIP NG MGA OTORIDAD!

Paracale, Camarines Norte (Oktubre 31, 2014) – Sinalakay ng pinagsamang pwersa ng Paracale – Municipal Police Station (MPS), Camarines Norte Provincial Public Safety Company (CNPPSC), Camarines Norte Provincial Intelligence Branch, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Camarines Norte na pinangunahan ni P/Insp. Herson U. Manegdeg at pinamunuan naman ni PC/Insp. Rommel B. Labarro ang isang bahay sa Sitio Nagit-in, Purok 5, Barangay Capacuan, Bayan ng Paracale nitong nakatalikod na Miyerkules (Oktubre 29, 2014) para isagawa ang isang Drug Raid.

Bitbit ang Search Warrant na ipinalabas ni Vice Executive Hon. Judge Arniel Dating, nasamsam sa bahay ni Victor Geneblazo Y Adana mula sa naturang barangay ang 22 piraso ng pinaghihinalaang shabu na may tinatayang nagkakahalaga ng P200,000, isang (1) black bag na may lamang pera na nagkakahalaga ng P7,650, isang (1) Cal. 45 baril kasama ang 3 magazines, isang (1) Gauge Homemade Shotgun (sumpak) na may dalawang (2) live ammunition, isang (1) Air Gun Rifle, at iba’t ibang uri ng drug paraphernalia.

Dahil dito, inaresto ng mga otoridad si Adana at dalawa pa nitong kasamang kinilalang sina Lopher Sureta at Rochele Cabizares na parehong residente ng Brgy. Tugos, Bayan ng Paracale.

Si Geneblazo ay kasama sa Municipal Drug Watch List ng Paracale dahil umano sa pagiging drug

Pusher nito nagpapatakbo sa mga barangay ng Capacuan, Batobalani, Tawig, Maybato, at ilang mga kalapit barangay sa Bayan ng Jose Panganiban.

Ang pagkakahuli ng suspek ay bunga ng isang buwan na surveillance sa suspek ng mga PNP personnel, gayundin ang pakikipagtulungan ng mga mamamayan at barangay. Ito ay bahagi pa rin ng pagpapaigting ng kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga sa buong Rehiyong Bikol sa pamumuno ni Regional Director PC/Supt. Victor P. Deona, at buong Lalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno naman ni PS/Supt. Moises P. Pagaduan.

Samantala, inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002” at RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” sa mga nahuling suspek. Dinala naman ang mga nakumpiskang ebidensya sa Provincial Crime Laboratory Office upang suriin.

(photo credits: Paracale Mps Facebook account)

608-1
608-2

Edwin Datan, Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *