8TH MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG PARACALE, NAHULI SA ARAW NG UNDAS!

8TH MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG PARACALE, NAHULI SA ARAW NG UNDAS!

Paracale, Camarines Norte (Nobyember 3, 2014) – Dinakip sa mismong Araw ng Undas ang ika-walo sa Most Wanted Person sa Bayan ng Paracale.


Sa pangunguna ni P/Insp. Herson U. Manegdeg, Chief of Police ng MPS – Paracale, katuwang sina OIC together PO3 Michael Surla, PO3 Darwin Verzo, PO3 Rommel Guamos, Police Non-Commissioned Officer (PNCO), PO1 Joel Vergara, at PO1 Arrianne Bonza, ay inaresto ang suspek na si Ryan De Lemios y Cereno, 27 taong gulang, walang asawa, mangingisda, at residente ng Fish Port, Brgy. Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte bandang alas-10 ng gabi sa Bagumbayan Cemetery, Brgy Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.


Ang pagkadakip kay Lemios ay batay sa warrant of arrest sa kasong Rape na inihain ni Honorable Judge Arniel A Dating, mula sa Regional Trial Court of Branch 41, Daet, Camarines Norte na may Criminal Case Number 16265 na ibinaba noong August 01, 2014 at walang piyansa inirekomenda.

Ang naturang suspek ay dinala at isinailalim sa medical examination sa Rural Health Unit (RHU) – Paracale at
kasalukyan nang nakakulong sa MPS – Paracale. 

Edwin Datan, Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.