SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE, GINAWARAN NG PAGKILALA SI JOHN LENNON MORALES!

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE, GINAWARAN NG PAGKILALA SI JOHN LENNON MORALES!

Inapurbahan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte ngayong araw ang isang resolusyon mula kay Board Member Jay Pimentel na nagbibigay pagkilala kay John Lennon Morales dahil sa pagsasauli nito ng nakuhang wallet na naglalaman ng P11,500 noong Oktubre 23, 2014.

Pahayag pa ni BM Pimentel, na magbibigay din umano sila ng kopya ng naturang resolusyon sa pamilya Morales, punong-guro ng Calasgasan Elementary School, Gov. Egay Tallado, Department of Education – Division of Camarines Norte (DepEd), Office of the Secretary of Department of Education, Bishop of Dioceses of Daet, at iba pang mga kinauukulan upang maipaalam ang pagiging tapat ng bata at tularan ng iba.

Ayon kay Vice Governor Jonah Pimentel, bukod sa pagkilala ay magkakaroon din umano sila ng pag-aambag katuwang ang ilan nilang mga kasamahan upang makabuo ng P11,500 na magsisilbing pabuya sa nagawang kabutihan ng bata.

Kasama rin sa naturang resolusyon ang pagbibigay parangal sa mga magulang ni John Lennon Morales.

Nauna nang binigyan ng College Education Plan ni Governor Egay Tallado si Morales, gayundin ang parehong pagkilalang ibinigay ng Sangguniang Bayan ng Daet sa pamamagitan ni Councilor Sherwin Q. Asis at Vice Mayor Noel Ong.

Edwin Datan, Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *