RANKED 6 MOST WANTED PERSON NG REHIYONG BIKOL, NADAKIP NG DAET MPS AT CN-CIDT!

RANKED 6 MOST WANTED PERSON NG REHIYONG BIKOL, NADAKIP NG DAET MPS AT CN-CIDT!

Daet, Camarines Norte (Nobryembre 7, 2014) – Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang ika-anim sa listahan ng Most Wanted Person sa Rehiyong Bikol kahapon (Nobyembre 6 ,2014), bandang alas-9 ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Ronnel Arquillo y Camitan alias Wenan C. Suarez/Hapon, 36 na taong gulang, may asawa, driver at resident ng Purok 2, Brgy Cobangbang, Daet, Camarines Norte at Brgy. Poblacion 1, Mobo, Masbate.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsamang pwersa Daet Municipal Police Station (MPS), at Camarines Norte Criminal Investigation and Detection Team (CN-CIDT) na pinangunahan ni PO3 Arnold Santiago Labarro, Warrant PNCO.

 Bitbit ang Warrant of Arrest na ipinalabas noong September 15, 2014 ni Hon. Judge Manuel L. Sese ng Regional Trial Court – Branch 45 ng Masbate City, inaresto si Arquillo sa salang Frustrated Murder na may Criminal Case No. 16753 at may inirerekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Two Hundred Thousand Pesos (P200,000.00)

Sa ngayon ay nakapiit na sa Camarines Norte Provincial Jail ang naturang suspek kasunod ng ipinalabas na commitment order ng Regional Trial Court – Branch 38 ng Daet, Camarines Norte para sa 2 counts of Murder sa ilalim ng Criminal Case No. 13211 at 11772.

(photo credits: http://www.interaksyon.com/article/88559/alleged-bicol-rebel-leader-with-p800000-bounty-falls)

Edwin Datan, Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.