4 NA KATAO, TIKLO DAHIL SA ILEGAL NA PAGMIMINA SA BAYAN NG PARACALE!

4 NA KATAO, TIKLO DAHIL SA ILEGAL NA PAGMIMINA SA BAYAN NG PARACALE!

Paracale, Camarines Norte (Nobyembre 8, 2014) – Hinuli ng mga otoridad mula sa Paracale Municipal Police Station (MPS) at Camarines Norte Provincial Public Safety Company ang 4 na katao sa Sitio Maning, Barangay Casalugan, Paracale, Camarines Norte kahapon (Nobyembre 7, 2014), bandang 10:45 ng umaga dahil sa ilegal na pagmimina.

Sa ulat na ipinadala ni PCI Wilmor G. Halamani, Officer-in-Charge of Paracale Municipal Police Station (MPS), kinilala ang mga suspek na sina Danilo Y. Valeros, 44 na taong gulang, walang asawa, magkakabod, residente ng Purok 1, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte;Alvin R. Pro, 20 taong gulang, walang asawa, magkakabod, residente ng Purok 2, Barangay Mampili, Basud, Camarines Norte; Bryan R. Baluca, 29 na taong gulang, may asawa, magkakabod, residente ng Purok 3, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte; at Patrick A. Hernandez, 33 taong gulang, may asawa, magkakabod, at residente ng Purok 3, Barangay Mancruz, Daet, Camarines Norte.

Nahuli ang mga naturang suspek habang nagsasagawa ang illegal na pagmimina sa lugar. Nakumpiska sa operasyon ang isang piraso ng bareta, isang piraso ng jap saw, isang piraso na pala (shovel), isang piraso ng blower, isang unit ng generator set (black), at isang sako ng pinaghihinalaang iron ore.

Samantala, nasa kustodiya na ng Paracale MPS ang mga nahuling suspek para sa karampatang disposisyon, at nanatili naman sa lugar upang patuloy na magpatrolya ang mga otoridad upang siguruhing mahigpit na naipatutupad ang stoppage order sa lugar.

Edwin Datan, Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *