BABAE, HULI SA PAGBEBENTA NG ILEGAL NA DROGA SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

BABAE, HULI SA PAGBEBENTA NG ILEGAL NA DROGA SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

Jose Panganiban (Nobyembre 8, 2014) – Nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang pwersa ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS) , Provincial Intelligence Branch ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Regional Intelligence Unit 5 ng Police Regional Office 5 ang isang babae kahapon (Nobyembre 7, 2014) bandang 12:30 ng tanghali sa Purok 7, Brgy. Plaridel, Jose Panganiban, Camarines Norte.


Sa ulat na ipinadala ni PCI Victor E. Abarca, Officer-in-Charge ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS), kinilala ang suspek na si Rosalie Gonzalgo y Tropel, 43 taong gulang, may asawa, at residente ng naturang lugar.

Nakumpiska sa naturang operasyon ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride o shabu, 2 piraso ng P500.00 na ginamit bilang marked money, at isang Torque cellular phone.

Sa kasalukuyan ay nananatili sa kustodiya ng Jose Panganiban MPS si Gonzalgo habang ang mga nakuhang ebidensya ay dadalhin sa Camarines Norte Provincial Crime Laboratory Office upang suriin.

Samantala, inihahanda ng mga otoridad ang pagsasampa sa kasong paglabag sa Section 5 ng Article II ng RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002″ na kakaharapin ng suspek.

Edwin Datan, Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.