NO. 7 MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG BASUD, NADAKIP NG MGA OTORIDAD!

NO. 7 MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG BASUD, NADAKIP NG MGA OTORIDAD!

Basud, Camarines Norte (Nobyembre 8, 2014) โ€“ Natimbog ng mga otoridad ng Basud Municipal Police Station at Daet Municipal Police Station (MPS) kaninang umaga, bandang alas 8 sa Vicente Basit St, Brgy 6, Daet, Camarines, Norteang ika-pito sa Most Wanted Person sa Bayan ng Basud para sa buwan ng Nobyembre.

Batay sa ulat na ipinadala ni PCI Antonio Y. Lacson, Chief of Police ng Basud Municipal Police Station, bitbit ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Roberto A. Escaro, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 38, Daet, Camarines Norte, ay hinuli si Bobby Villamor y Sta Ana, 37 taong gulang, may asawa, magsasaka,at residente ng Purok 1, Barangay Tuaca, Basud, Camarines Norte.

Ang naturang suspek ay nahaharap sa kasong Frustrated Muder sa ilalim ng criminal case no. 16087 na ipinalabas noong April 28, 2014 at may piyansang P200,000.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Basude MPS ang naturang suspek para sa karampatang disposisyon.

Edwin Datan, Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.