Paracale, Camarines Norte (Nobyembre 10, 2014) – Inaresto ng Camarines Norte Provincial Public Safety Company (CNPPSC) at Paracale Municipal Police Station (MPS) na pinangunahan ni P/Insp. Angelan A. Gulapan ang 5 katao habang nagsasagawa ng ilegal na pagmimina nitong nakatalikod na Sabado (Nobyembre 8, 2014) bandang alas-5 ng umaga sa Sitio Maning, Brgy. Casalugan, Paracale, Camarines Norte
Ayon kay PCI Wilmor G. Halamani, Office In-Charge ng Paracale Municipal Police Station, kinilala ang mga suspek na sina Miranda y Ajiro, taong gulang, may asawa, magkakabado, residente ng Brgy. Palanas, Paracale Camarines Norte; Jaime Francisco y Terado, 49 na taong gulang, may asawa, magkakabod, residente ng Brgy. Palanas, Paracale Camarines Norte; Michael Monterozo y Estaras, 36 taong gulang, may asawa, magkakabod, residente ng Brgy Palanas, Paracale Camarines Norte; Charlez Gebara y Baao, 19 na taong gulang, may asawa, magkakabod, residente ng Brgy Casalugan, Paracale, Camarines Norte, at Carlito Javier y Betis 46 na taong gulang, may asawa, magkakabod, at residente ng Purok 4, Brgy. Casalugan, Paracale, Camarines Norte.
Nakuha sa mga suspek ang 3 piraso ng iron bar o “bareta”, isang piraso ng mallet, isang piraso ng jungle bolo, at mahigit-kumulang na 25 metro ng lubid.
Ang mga naturang suspek at mga nakumpiskang kagamitan ay dinala na sa Paracale MPS para sa karampatang disposisyon.
Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News