Daet, Camarines Norte (Nobyembre 11, 2014) – Matinding hirap ngayon ang dinaranas ng mga estudyante sa Camarines Norte State College (CNSC) – Main Campus na nagsasagawa ng enrollment para ngayon ikalawang semester.
Alas onse ng umaga, humigit kumulang pa lamang apat nap u (40) ang naaacomodate na mga estudyante.
Nabatid ng Camarines Norte News na nag iisyu na ng stub na may numero sa mga nakapilang estudyante, subalit sa tindi ng bagal ng proseso ay umuuwi na lamang ang ibang mga estudyante upang bumalik na lang kinabukasan.
Nabatid din na alas singko pa lamang ng umaga ay may mga estudyante nang nakapila partikular ang mga estudyante na galing sa malayong bayan ng lalawigan.
Ipinagtataka naman ngayon ng ilang mga estudyante kung bakit tila usad pagong ang proseso ng enrollment gayung inaasahan nilang computerized na ang enrollment system sa nasabing pang gobyernong kolehiyo.
Isa sa nakikitang posibleng dahilan ay ang naantalang certificate of grades ng mga scholars na hindi agad nakuha dahilan sa problema sa pag release ng pondo para sa mga ito. Maliban pa sa mga estudyante ngayon lamang na asikaso ng enrollment sa kabila ng bukas naman ang opisina sa paaralan.
(photo credits: CNSC Stolen SHOTS)
Camarines Norte News