ILEGAL NA DROGA AT BARIL, NASAMSAM SA ISANG BABAE SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

ILEGAL NA DROGA AT BARIL, NASAMSAM SA ISANG BABAE SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

Jose Panganiban, Camarines Norte (Nobyembre 11, 2014) – Nahuli ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS), Provincial Intelligence Branch of Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), at Philippine Drug Enforcement Agency sa isang checkpoint ang isang babae sa Purok 6, Barangay Sta Rosa Norte, Jose Panganiban, Camarines Norte kahapon (Nobyembre 10, 2014) bandang 10:15 ng umaga makaraang mahulihan ito ng hindi lisensyadong baril at pinaghihinalaang shabu.

Sa ulat na ipinadala ni PCI Victor E. Abarca, Officer-in-Chrage ng Jose Panganiban MPS, habang nagsasagawa umano ng checkpoint ang mga otoridad sa naturang lugar, napansin ng mga ito ang pag u-turn ng isang motorsiklo na minamaneho ng isang babae habang papalapit sa kanilang checkpoint, sabay ang mabilis na pagpapatakbo papalayo sa lugar.

Agad namang hinabol ng mga nakatalagang pulis ang naturang motorsiklo at nahuli ang naturang driver.

Kinilala ang suspek na si Khiannalyn Ganazo y Mendoza, 20 taong gulang, walang asawa, at residente ng Purok 5, Barangay Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Sa pag-iinspeksyon ay nakita sa loob ng gray bag ang isang Caliber 38 revolver at may kargang 6 na bala na pagmamay-ari ng suspek. Nang hanapan naman ng kaukulang papeles ang naturang baril ay walang maipakita ni Ganazo dahilan upang ito ay dakpin.

Nakuha rin sa suspek ang 4 na pirasong transparent plastic sachets na may lamang white crystalline substance at pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride o shabu, drug money na nagkakahalaga ng Php 6,326.00, at iba pang personal na kagamitan na nakita sa loob ng bag na pagmamay-ari ng suspek

Kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Jose Panganiban si Ganazo, at ang mga nakumpiskang gamit nito kabilang na ang motorsiklong ginamit nito na may plate number na EU 8442 para sa karampatang disposisyon.

Edwin Datan, Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *