Daet, Camarines Norte (Nobyembre 14, 2014) – Mismong si opposition Board Member Senen A. Jerez na ang humiling sa mga netizens na itigil na ang pagpapakalat ng mga diumano’y larawan ni Governor Edgardo Tallado at isang babae sa mga social networking sites.
Sa privilege speech ni Jerez kamakalawa, Nov. 12, 2014 sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan, binigyan diin nito na kinakailangan nang matapos ang usapin at marapat na itong idulog sa DILG o sa Civil Service Commission CSC upang ito na ang mag imbestiga at makapag sampa ng kaso kung mapatotohanang may naging paglabag ang gobernador at mapawalang sala din naman kung wala itong nagawang pagkakamali at upang ganap nang maibalik sa normal ang takbo ng buhay ng mga mamamayan ng Camarines Norte.
Nais din ni Jerez na bigyan ng pansin ang mga pahayag umano ni Mrs. Josie Tallado sa unang paglabas nito sa telebisyon na ang lahat daw sa ating probinsya ay kontrolado at nababayaran ng gobernador, na tinutukoy anya ang PNP at ang lokal na pamahalaan.
Anya, ang pananahimik ng PNP ay mangangahulugan ng pag-amin sa alegasyon. “Silence, means yes”, pahayag pa ni Jerez. Kasunod nito ang panawagan kay PNP Provincial Director Moises C. Pagaduan na magsalita at pabulaanan ito dahil kung sakaling ito ay totoo, marapat lamang na mag bitiw na ang nasabing opisyal.
Hinamon din ni Jerez ang kanyang mga kasamahan sa SP na magsalita hinggil dito gayung ang SP ay bahagi din ng Lokal na Pamahalaan na pinatutungkulan din sa pahayag umano ng unang ginang.
Nahagip din ng pasaring ng privilege taker ang pamunuan ng accounting office na dapat anyang magsalita hinggil dito at kumpirmahin kung totoong kawani nila ang isang babaeng tinutukoy sa mga usapin at magsagawa ng kauulang aksyon hinggil dito. Maging ang PGEU Provincial Government Employees Union ay hinamon din ni Jerez na magsagawa din ng pagkilos hinggil dito.
Sa bandang huli ng kanyang malayang pamamahayag, binigyan diin nito na walang halong pulitika ang ang kanyang pamamahayagna ito. Agaran din ang naging paghimay ng mga miyembro ng SP sa privilege speech ni Jerez na bagamat ang ilan ay sumang-ayon, hindi naman kumbinsido ang mayorya sa mga kasamahan nito at iginiit na ilan sa mga nilalaman nito ay wala pang sapat na batayan at hindi rin umano malinaw ang pinaka punto nito bunsod ng anilay inconsistencies dito.
Narito ang buong detalye ng malayang pamamahayag ni Bokal Senen Jerez, kasunod ang naging daloy na talakayan;
BAWAT CAM.NORTEÑO, BAYANI’T MARANGAL By Bokal Senen Asis. Jerez
“MAGANDANG UMAGA PO SA INYONG LAHAT.
MARAHIL PO AY BATID NAMAN NATING LAHAT ANG PANGYAYARI SA ATING “FIRST COUPLE” HALOS TATLONG LINGGO NA ANG NAKALILIPAS.
AT MARAHIL PO NAMAN AY SAPAT NA DIN ANG MGA ARAW NA LUMIPAS UPANG TAYO AY MAKAPAG ISIP-ISIP AT SA NGAYON AY UMPISAHAN NG MAIBALIK SA NORMAL ANG TAKBO NG ATING BUHAY AT MGA GAWAIN.
DAHIL PO DITO AY AKO AY NAKIKIISA SA PANAWAGAN NG ATING GOBERNADOR NA ITIGIL NA ANG PAG POST NG MALALASWANG LARAWAN SA FACEBOOK AT IBA PANG URI NG MEDIA… AT ITO DIN NAMAN ANG PANAWAGAN NG ATING MAHAL NA OBISPO NG SIMBAHANG KATOLIKO.. SANA PO AY ITIGIL NA PO NATIN YAN SAPAGKAT LALO LAMANG NALALAGAY SA KAHIHIYAN ANG ATING PROBINSYA LALO NA ANG ATING MGA KABABAIHAN.
SA AKIN PONG PALAGAY AY MAS NARARAPAT PO NATING BIGYAN NG MALALIM NA PAGSUSURI NAG MGA KAPAHAYAGAN NA BINITIWAN NG ATING UNANG GINANG, MRS. JOSIE TALLADO SA INTERVIEW SA KANYA KASAMA ANG KANYANG ABOGADO SA NATIONAL TELEVISION SAPAGKAT DITO PO AKO MAS NABABAHALA.SANG-AYON PO KAY MRS. JOSIE TALLADO AT SA KANYANG ABOGADO, ANG LAHAT DAW PO SA ATING PROBINSYA AT KONTROLADO AT NABABAYADAN… AT SA KANYA PONG TINUTUKOY ANG PNP AT PATI NA ANG MGA LGU… ITO PO AY NAKAKATAKOT… SAPAGKAT KUNG ITO AY TOTOO AY PAANO NA IIRAL ANG BATAS AT ANG MATUWID SA ATING PROBINSYA…KUNG ANG MGA TAO NA PINAGKATIWALAAN NG
TUNGKULIN AY BAYAD PALA AYON KAY GINANG JOSIE TALLADO, AY WALA NA PO TAYONG MAAASAHAN PA…AT MAY KASABIHAN DIN PO TAYO NA “SILENCE MEANS YES” ..PAANO NA LANG PO ANG PROBINSYA NATIN!
KUNG KAYA’T AKO PO AY NANANAWAGAN SA ATING PROVINCIAL PNP DIRECTOR PD PAGADUAN NA KUNG ITO AY HINDI TOTOO AY MAGLABAS PO SYA NG “OFFICIAL STATEMENT” UKOL DITO UPANG HINDI MAPATOTOHANAN AT MALAGAY SA ISIP NG ATING MAMAMAYAN NA HINDI NA PALA MAASAHAN ANG ATING KAPULISAN, AT SA INYONG AHENSYA AY TOTOO PALA NG SAWIKAING “SILENCE MEANS YES” …KAHIMANAWARI AY BUMALIK ANG PAGTITIWALA NG MAMAMAYAN SA ATING KAPULISAN.
NGUNIT KUNG ITO PO AY TOTOO AY MANGYARI PO SANA NA MAGBITIW NA KAYO SA INYONG TUNGKULIN SAPAGKAT HINDI PO KAYO KARAPAT-DAPAT SA INYONG POSISYON.
AT DAHIL PO SA MAY GINAMIT NA SALITA NG BUTIHING GINANG JOSIE TALLADO NA PATI MGA LGU AY BAKA IBIG PONG SABIHIN AY KASAMA NA DIN ANG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN. KAYA NGA PO AKO AY NAGDISISYON NA GAWIN ANG MALAYANG PAMAMAHAYAG NA ITO UPANG SABIHIN SA LAHAT NA AKO PO AY HINDI BAYADAN AT NAGTATRABAHO PO AKO NG MAHUSAY AT MATUWID AT SANA PO AY MAGPAHAYAG DIN NG KANILANG SALOOBIN ANG MGA MIYEMBRO NG ATING SANGGUNIANG PANLALAWIGAN.
AKO PO AY SUMASALUDO SA TAPANG AT LAKAS NG LOOB NI GINAG JOSIE TALLADO SA KANYANG GINAWA. DAPAT PO MARAHIL NA BIGYAN SIYA NG PAGKILALA UPANG SYA AY MAGING HUWARAN NG ATING KABABAIHAN. KAYA NA PO HINDI KO AGAD GINAWA ANG PAMAMAHAYAG NA ITO BILANG PAGRESPETO SA KANYANG KAPATID DITO SA SP NA SI BOKAL RAMONG BANING, NA SANA PO AY SYA AY NAGBIGAY NG KAUKULANG PAGSUPORTA O KAYA AY PAGKONTRA SA GINAWA NG KANYANG KAPATID. HUMIHINGI PO AKO NG PAUMANHIN SAYO, AT GANUNDIN SA MGA KASAMA SA PARTIDO NG GOBERNADOR DITO SA SP.
SAMANTALA PO NAMAN, SA PAGHINGI NG APOLOGY NG ATING GOBERNADOR KAMAKAILANG LAMANG AY BINANGGIT NYA ANG PANGALAN NG ISANG BABAE AT ANG PAMILYA NITO, ITO PO YATA ANG NAKALAGAY SA MGA LITRATO O VIDEO NA NAKA POST SA FACEBOOK. HINDI KO PO ALAM KUNG ANO ANG KATOTOHANAN…SAPAGKAT MAY NAGSASABI PO NA ANG BABAENG ITO AY EMPLEYADO SA ATING KAPITOLYO SA ACCOUNTING OFFICE.. SA AKING PONG PALAGAY AY DAPAT MALAMAN NATING SA ATING HRMO, O KAYA AY SA ATING PROVINCIAL ACCOUNTANT, KUNG SINO O KUNG EMPLEYADO TALAGA ANG BABAETING ITO NA BINANGGIT NG ATING GOBERNADOR. SINO PO ANG APPOINTING OFFICER NYA? SYA PO BA AY MAY APPOINTMENT PAPERS? AT SAKLAW PO BA SYA NG CIVIL SERVICE? SAPAGKAT KUNG SYA PO AY KAWANI SA ATING KAPITOLYO AY MAKABUBUTI PO MARAHIL NA SYA AY ALISIN NA MUNA SA KANYANG TUNGKULIN UPANG MAIBALIK NAMAN ANG RESPETO AT PAG-GALANG NG ATING MAMAMAYAN SA ATING MGA EMPLEYADO SA KAPITOLYO.
KAUGNAY PO NITO AY NANANAWAGAN DIN AKO SA ATING “PROVINCIAL GOVERNMENT EMPLOYEES UNION” NA KUNG SAAN ANG KANILANG SAMAHANG ITO, SA AKING PANINIWALA, AY MAY TUNGKULIN NA PROTEKTAHAN ANG INTERES NG MGA EMPLEYADO NG KAPITOLYO AT ANG KANILANG KAPAKANAN. HINDI BAGA’T NARARAPAT LAMANG NA INYONG IPAGTANGGOL ANG KAWANING ITO (KUNG SYA NGA AY ISANG KAWANI) KUNG SYA PO AY NAAPI, O NAPASAMANTALAHAN SA KANYANG KAHINAAN. ANO PO ANG INYONG “TAYA” SA USAPING ITO?AT DAHIL PO SA ANG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN AY WALANG KARAPATANG MAG IMBESTIGA SA ATING GOBERNADOR SA PANGYAYARING ITO, AT DAHIL DIN NAMAN NA ANG USAPING ITO AY NAGING PAKSA NA SA ILANG INTERVIEW KUNG SAAN NAGBIGAY NG KAUNTING PAHAYAG ANG BUTIHIN
SECRETARY NG DILG MAR ROXAS AT ANG PINUNO NG CIVIL SERVICE COMMISION (HINDI KO PO MATANDAAN ANG PANGALAN), AY MARAPAT PO LAMANG MARAHIL NA HINGIN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NA MAGSAGAWA NG PORMAL NA IMBESTIGASYON ANG KANILANG AHENSYA AYOS SA MGA UMIIRAL NA BATAS NG ATING BANSA. WAG NAMAN PO SANA NA HANGGANG INTERVIEW NA LANG SILA SAPAGKAT MAY KATUNGKULAN PO SILA NA IPATUPAD ANG BATAS NG ATING LIPUNAN AYON SA MANDATO NG KANILANG MGA AHENSYA.
KUNG WALA NAMAN PO NA NILABAG NA BATAS ANG ATING GOBERNADOR AY SANA PO AY MAGBIGAY DIN SILA DILG SECRETARY MAR ROXAS AT ANG PINUNO NG CIVIL SERVICE COMMISSION NG KAPAHAYAGAN UPANG MALAMAN PO SA BUONG BANSA NA WALA NAMAN BATAS NA NILABAG ANG ATING GOBERNADOR.. SA GANUN PO AY MALINIS NAMAN ANG KANYANG PANGALAN AT ANG IMAHE NG LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE.
NAIISIP KO NGA PO TULOY NA MAS MABUTI PA ANG MGA BARANGAY TANOD AT TULOY-TULOY NA NAGPAPATUPAD NG KANILANG MANDATO SA KANILANG BARANGAY NG WALANG HINIHINITAY NA MAG REKLAMO MUNA, O KAYA NAMAN AY ANG MGA TRAPIK ENFOCER NA SIGENG NAGPAPATUPAD NG BATAS TRAPIKO AT HINDI NA NAGHIHINTAY NA MAY MAGREKLAMO PA MUNA.
BIGYAN PO NATIN NG PAGKAKATAON NA MALINIS NG GOVERNOR ANG KANYANG PANGALAN AYON SA BATAS NG GINAWA AT PINAIIRAL SA ATING BANSA. WAG PO SANANG TINGNAN NA ITO AY PAMUMULITIKA, NAPAKATAGAL PA PO NG ELEKSYON..2016 PA, SANA PO AY MAGTRABAHO MUNA TAYO, BILANG BOKAL AY TAYO AY REPRESENTATIVE OF THE PEOPLE AT BOSES NG BAYAN KAYA HINDI PO MARAPAT NA TAYO AY MANAHIMIK LAMANG.
AKO PO AY NANINIWALA NA ANG BAWAT TAGA CAMARINES NORTE AY BAYANI AT MARANGAL..OPO, SAPAGKAT ITO AY IPINAKITA NG ATING MGA NINUNO SA KANILANG PAKIKIBAKA AT PAKIKIPAGLABAN SA KATIWALIAN AT KAWALAN NG HUSTISYA SA KANILANG PANAHON. PANAHON NAMAN MARAHIL UPANG PATUNAYAN NATIN SA ATING MGA MAGULANG NA ANG KANILANG SAKRIPISYO AT PAKIKIPAGLABAN AY HANDA NATING IPAGPATULOY SA NGALAN NG HUSTISYA, KAPAYAPAAN, AT KAUNLARAN PARA SA LAHAT. MARAMI PONG SALAMA.” – Bokal Senen Asis Jerez