PHILIPPINE NATIONAL POLICE SA BAYAN NG DAET, NAGHAYAG NG MAGANDANG DATOS SA PAGPAPATUPAD NG BATAS LABAN SA KRIMINALIDAD AT BATAS TRAPIKO!

PHILIPPINE NATIONAL POLICE SA BAYAN NG DAET, NAGHAYAG NG MAGANDANG DATOS SA PAGPAPATUPAD NG BATAS LABAN SA KRIMINALIDAD AT BATAS TRAPIKO!

Daet, Camarines Norte (Nobyembre 18, 2014) – Naghayag ng magandang balita kahapon (Nobyembre 17, 2014) sa sesyon ng Sangguniang Bayan (SB) ng Daet si PCI Eusebio Estopare, Deputy Chief of Police ng Philippines National Police – Daet (PNP) kaugnay ng mga lumabas na datos bunsod ng kanilang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas.

Ayon kay Estopare, bumaba ang bilang ng krimen sa Bayan ng Daet, tulad ng insidente ng mga nakawan. Naging malaking accomplishment din umano nila ay ang pagkakahuli sa isang drug pusher na nag-oopera sa naturang bayan.

Samantala, inihayag ng opisyal na umaabot na rin sa 394 ang bilang ng mga nahuling lumabag pagdating sa usapin ng batas trapiko. Batay umano sa traffic section ng PNP – Daet, may bilang na 123 na mga tricycle ang nahuling walang prangkisa, out of lane, at mga inirereklamo bunsod ng samu’t saring paglabag.

May datos namang 135 ang mga traffic violators tulad ng pagpaparada ng lagpas sa guhit, mali ang pagkakaparada, at iba pa.

Dagdag pa ni Estopare na mas lalo pang paiigtingin ng kanilang ahensya ang monitoring at pagpapatrolya lalo na’t papalapit na umano ang panahon ng kapaskuhan at bagong taon na kung napapanahon din ang pagkakaroon ng iba’t ibang kriminalidad.

Edwin Datan, Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *