BABAE, SINAKSAK NG LIVE-IN PARTNER DAHIL SA SELOS SA BAYAN NG PARACALE; SUSPEK, SUMUKO SA PULISYA!

BABAE, SINAKSAK NG LIVE-IN PARTNER DAHIL SA SELOS SA BAYAN NG PARACALE; SUSPEK, SUMUKO SA PULISYA!

Paracale, Camarines Norte (Nobyembre 19, 2014) โ€“ Kritikal ngayon sa Camarines Norte Provincal Hospital (CNPH) ang kundisyon ng isang 25 limang taong gulang na babae na si Angelyn Esquirdo Y Gahilan tubong Eastern Samar matapos na saksakin ng kanya mismong live-in partner na kinilala naman ng pulisya na si Salvador Diaz Y Bunao, 37 taong gulang, magkakabod, at residente ng Brgy Gumaus, Bayan ng Paracale, Camarines Norte.

Sa paunang imbestigasyon ng Paracale PNP, ganap na alas 3:25 ng hapon, kahapon (Nobyembre 18, 2014) sa tinitirhang bahay ng suspek at biktima nang maganap ang pananaksak ng suspek sa kanyang kinakasama.  Nagtamo ng isang tama ng saksak sa itaas na bahagi ng dibdib si Angelyn mula sa isang kitchen knife na ginamit ni Salvador Diaz.

Matapos ang pananaksak, agaran ding sumuko kay Brgy. Kagawad Ernesto Sucilan Jr. ng Brgy Gumaus dala ang ginamit na kusilyo sa pananaksak.

Agaran ding isinugod  ng mga rumispondeng opisyal ng Barangay sa Jose Panganiban Primary Hospital bago nailipat sa CNPH sa Bayan ng Daet.

Alas 5 na ng hapon ng dalhin sa Paracale PNP ang suspek pati ang ginamit na kutsilyo na may habang humigit kumulang 14 inches (including handle).

Hinihinalang selos ang motibo ng nasabing pananaksak, samantalang inihahanda na ng pulisya ang kasong frustrated homicide na isasampa laban sa suspek.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.