MAG LIVE IN PARTNER SA LABO, PINAGPAPALO NG TUBO SA ULO HABANG NATUTULOG; LOVE TRIANGLE, TINITIGNANG MOTIBO NG KRIMEN!

MAG LIVE IN PARTNER SA LABO, PINAGPAPALO NG TUBO SA ULO HABANG NATUTULOG; LOVE TRIANGLE, TINITIGNANG MOTIBO NG KRIMEN!

Labo Camarines Norte (Nobyembre 19, 2014) โ€“ Love triangle ang pinaghihinalaang dahilan ng mga awtoridad sa panloloob at pamamalo sa ulo sa dalawang mag live-in partner sa Brgy. Malasugi sa Bayan ng Labo, Camarines Norte.


Bandang alas 10 kabagi ng pasukin umano ng tatlong hindi pa nakikilalang mga kalalakihan ang magka-live-in at pinag hahampas ng tubo o matigas na bagay ang dalawa habang nasa kwarto.

Kinilala ang mga biktimang si Jobert Abijay, 29 years old, residente ng Barangay Lag-On sa Bayan ng Daet at
Jeraldine Villaflores, 28 anyos, pawang naninirahan na ngayon sa Brgy Malasugi sa bayan ng Labo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, wala namang nawalang mga mahahalagang kagamitan sa bahay o mga gamit ng mga biktima kung kayat itinuturing na personal ang motibo ng nasabing panloloob at pananakit. Malakas din ang hinala na isa sa mga suspek ay ang dating kinakasama ng babae na labis umano ang panibugho matapos na magsama na ang dalawang biktima.

Agad namang isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) ang magkasintahan at hanggang sa pagbisita ng Camarines Norte News sa dalawa ay wala pa ring malay si Jeraldine, samantalang nakunan na rin ng pahayag ng pulisya si Jobert.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.