PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT OFFICE NG DAET, PURSIGIDO NA ISAAYOS ANG TRAPIKO; MGA PASAWAY, MARAMI PA RIN!

PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT OFFICE NG DAET, PURSIGIDO NA ISAAYOS ANG TRAPIKO; MGA PASAWAY, MARAMI PA RIN!

Daet, Camarines Norte (Nobyembre 19, 2014) – Aminado si Public Safety and Traffic Management Officer (PSTMO) Ramon Ramos na hanggang sa ngayon ay pahirapan pa rin sa pagpapatupad ng batas trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Bayan ng Daet.

Ayon kay PSTMO Ramon Ramos, sa panayam ng Kadamay Network PBN-DZMD, maraming mga tricycle drivers mismong mga pedestrian ang tahasang lumalabag sa batas.

Dagdag pa ni Ramos, sa dalawang taon na pagpapatupad nila ng batas trapiko, hindi pa rin umano mabilang ang kanilang natitiketan, at paulit ulit pa din umano ang mga paglabag ng mga ito.

Dagdag pa ni Ramos na balak din ng PSTMO sa mga susunod na araw na maglagay ng plastic chain sa kahabaan naman ng Vinzons Ave. upang maiwasan ang biglaang pag U-turn ng mga motorista.

Hindi rin kumbinsido si ang PSTMO head ang mga mungkahi ng ilan na maglagay ng maraming pedestrian lane, dahil ayun umano sa kanilang pag aaral sa UP Manila, mas lalo itong mag dudulot ng trapiko.  Inirekomenda na rin nito sa Pamahalaang Lokal ng Daet, na maglagay ng concrete steel fence at center island sa kalsada upang tuluyan nang mapigilan ang Jay Walking subalit hanggang sa ngayon umano ay wala tugon dito si Mayor Tito Sarion.

Samantala, hinggil naman sa patuloy na paglalagay ng mga barikada at harang ng mga negosyante sa harapan ng kanilang establishimento, aminado si Ramos na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nya maintindihan kung bakit walang karespe-respeto sa batas ang mga ito, na tila umaaktong sarili nila ang pedestrian lane at kalsada sa kanilang harapan at ginagawang parking space ng kanilang mga behikulo.

Kaugnay naman sa reklamo sa maluwag na implementasyon ng truck ban, kinumpirma ni Ramos na may ilang mga abusadong negosyante. Sinabi nitong sya mismo ay nakaranas ng pambabastos sa mismong may-ari ng hindi binanggit na establishimento, na habang tinitekitan ng isang traffic enforcer ang truck na pagmamay-ari nito ay sa halip na tanungin kung ano ang violation ng kanyang truck driver ay tinanong nito kung magkano ang isang booklet ng ticket at babayaran na lamang umano nito.

Bagamat hindi na pinatulan ni Ramos ang pagyayabang ng negosyante, iminungkahi na lamang nito sa Sangguniang Bayan ng irepaso o taasan ang penalidad sa truck ban violators upang sa ganun ay maramdaman ng mga violators ang ngipin ng batas.

(photo credits: Ricky Pera)

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *