RIDING IN TANDEM, UMATAKE SA BAYAN DAET; P60,000 NAKULIMBAT SA ISANG LENDING AGENCY COLLECTOR!

RIDING IN TANDEM, UMATAKE SA BAYAN DAET; P60,000 NAKULIMBAT SA ISANG LENDING AGENCY COLLECTOR!

Daet, Camarines Norte (Nobyembre 19, 2014) – Katatapos pa lang ng ulat ng Daet PNP sa Sangguniang Bayan ng Daet nitong nakatalikod na Lunes hinggil sa pagbaba ng crime rate sa bayan, muling umarangkada naman kahapon ang Riding in Tandem sa bahagi ng Brgy. Gubat sakop ng bayan ng Daet.

Sa Record ng pulisya, kinilala ang biktimang si Godofredo Dela Cruz Y Tabuzo, 41 taong gulang, may asawa at residente ng Poblacion 2, Vinzons Camarines Norte, collector ng ARDCI NGO GROUP Incorporated.

Kahapon (Nobyembre 18, 2014), bandang ala una y kinse ng hapon,  habang pauwi, sakay ng kanyang motorsiklo na may plakang EI 8019 si Dela Cruz na may mula sa buong umagang pangongolekta sa kanilang mga kliyente sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte, habang nasa dako na sya ng Brgy. Del Rosario Mercedes, napansin nito na may isang motorsiklong sumusunod sa kanya sakay ang dalawang lalaking pawang naka suot ng full faced helmet. Dahil sa kaniha-hinalang kilos ng sumusunod na dalawang personahe, pinaharurot ng biktima ang takbo ng kanyang motorsiklo at agaran ding humabol ang mga suspek. Nang makarating sa bahagi ng Purok Bayabas, Brgy. Gubat, pilit

na ginigit-git ng riding in tandem ang motor ng biktima at tsaka nagpaputok ng baril sa ibang direksyon. Naging sanhi ito upang matakot ang biktima hanggang sa mabangga ito sa harapan ng isang sari-sari store sa naturang lugar.

Agad na natumba ang motor ni Dela Cruz at bumaba ng motor ang isa sa mga suspek at kinuha ang dala nyang Laptop bag na naglalaman ng kanyang koleksyon na nagkakahalaga ng 60 libong piso.

Matapos nito ay agad na tumalilis ang mga suspek patungo sa direksyon ng Centro ng Daet sakay ng kanilang motoriklo Rouser na kulay itim, na may takip ng tela ang plaka.

Hinihinalang kalibre 38 revolver ang gamit nabaril ng mga suspek base na rin sa paglalarawan ng biktima.

Hindi naman gaanong nasaktan ang biktima subalit nagdulot ito ng matinding trauma dulot ng insidente. Agaran din itong dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital para sa kaukulang check up.

Hanggang ngayong umaga ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pangyayari.

Aminado naman si Daet Chief of Police Supt. Paul Abay na kapos ngayon ang bilang ng pulisya sa bayan ng Daet at maging sa buong lalawigan dahilan na rin sa paghahandang kisinasagawa ng PNP sa pag dating ng mga delegado sa gaganaping APEC SUMMIT sa Lunsod ng Legaspi, lalawigan ng Albay.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *