VINZONS MUNICIPAL POLICE STATION, WAGI SA KAUNA-UNAHANG CNPPO DESIGN AND LIGHT A TREE CONTEST SA CAMP WENCESLAO Q. VINZONS SR.!

VINZONS MUNICIPAL POLICE STATION, WAGI SA KAUNA-UNAHANG CNPPO DESIGN AND LIGHT A TREE CONTEST SA CAMP WENCESLAO Q. VINZONS SR.!

Daet, Camarines Norte (Nobyembre 20, 2014) – Nagningning at nagliwanag ang buong Camarines Norte Police Provincial Office sa Camp Wenceslao Q Vinzons Sr., Brgy. Dogongan, Daet, Camarines Norte sa pagsasagawa ng 1st CNPPO Design and Light a Tree Contest nitong nakatalikod na Martes (Nobyembre 18, 2014). Sa pangunguna ni PS/Supt. Moises C. Pagaduan, Acting Provincial Director, pinangasiwaan nito ang pagpapailaw sa mga dinisenyuhang mga puno kaugnay ng naturang aktibidad. Ang naturang patimpalak ay nilahukan ng

12 municipal police stations at Camarines Norte Provincial Public Safety Company (CNPPSC) na kauna-unahang programa ng Police Provincial Office (PPO) bilang paggunita sa kapaskuhan.

Sinimulan ang aktibidad sa pamamgitan ng opening program na sinundan ng pagpapailaw at pagpapasiya ng mga naging disenyo ng mga kalahok. Ang mga naging hurado ay sina Father Phillip Ibasco, Parish priest ng Parish of the Divine Mercy, Narciso Hernandez, Program Anchor ng PBN – DZMD, Lt. Col. Medel Aguilar, mula sa 49TH IB – Philippine Army, at Ms. Amy M. Lopez, Project Development Officer 3 ng Provincial Government of Camarines Norte.

Inuwi ng Vinzons MPS ang 1st place na may premyong P10,000, 2nd place ang Basud MPS na nagkamit ng P7,000, at San Lorenzo Ruiz MPS sa 3rd place at nakakuha ng cash prize na P5,000.

Nagsalu-salo naman sa isang boddle fight na ginanap sa Tanghalang Magiting sa loob pa rin ng CNPPO ang mga CNPPO personnel, Chiefs of Police, mga miyembero ng Rotary Club of Daet, at mga kabataan sa komunidad sa pagtatapos ng aktibdad.

(photo credits: Camnorte Ppo Facebook account)

Edwin Datan, Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *