2 KATAO, HULI SA ISINAGAWANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

2 KATAO, HULI SA ISINAGAWANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN!

Jose Panganiban, Camarines Norte (Nobyembre 21, 2014) – Dinakip ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni PO3 Roberto F Caluza kasama ang ilang personahe mula sa Provincial Intelligence Branch (PIB), at Camarines Norte Provincial Office (CNPPO) ang dalawang katao matapos mahulog sa isinagawang drug buy-bust operation sa Brgy. South Poblacion, Jose Panganiban, Camarines Norte kahapon (Nobyembre 20, 2014), bandang alas 8 ng umaga.

Batay sa ipinadalang ulat ni PCI Victor E. Abarca, Officer In-Charge ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS), kinilala ang mga suspek na sina Reynante Real y Sosito, 30 taong gulang, may asawa, residente ng P-1 Barangay Parang, Jose, Panganiban, Camarines Norte; at Gener Rojo y Boneo,34 na taong gulang, may asawa, at residente ng P-1 Barangay Parang, Jose, Panganiban, Camarines Norte.

Nakuha sa mga naturang suspek ang isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang white crystalline substance methamphetamine hydrochloride o Shabu, at isang maliit na sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may nakasulat na “RR-1”.

Kinumpiska rin ang isang piraso ng P1,000 bill; at isang piraso ng P500 bill na ginamit bilang marked money; P11,350; isang motorsiklo na walang plate number, at dalawang cellular phones.

Samanatala, dinala na ang mga nakumpiskang gamit at mga suspek sa Jose Panganiban MPS para sa karampatang disposisyon habang inihahain na rin ang kaukulang kasong isasampa sa korte laban sa mga suspek.

Edwin Datan, Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *