Daet, Camarines Norte (Nobyembre 25, 2014) – Hindi na nakapalag ang suspek na kinilalang si Jabar Panalong Y Ong aka “Batas”, 26 na taong gulang matapos ihain at isagawa ang isang search warrant kaugnay ng ipinagbabawal na droga sa tahanan nito sa P-6, Brgy. Cobangbang, Daet, Camarines Norte kaninang bandang alas 7 ng umaga.
Ang naturang operasyon ay pinangunahan ng mga operatiba mula sa Provincial Intelligence Branch ng Camarines
Norte Police Provincial Office (CNPPO), Camarines Norte Criminal Investigation and Detection Team (CN-CIDT), Regional Intelligence Unit ng Police Regional Office 5, at Municipal Police Station – Daet sa katauhan ni P/Insp. Brian S. Ramirez. Ito ay batay sa Search Warrant No. D-2014-29 sa sala ni Hon. Judge Arniel Dating ng Regional Trial Court (RTC) Branch 41.
Nakuha kay Panalong ang 1 plastic sachet na pinaghihinalaang shabu, P10,000, drug paraphernalia, at 4 na cellular phones.
Samantala, nasa kustodiya na ng PNP – Daet ang naturang suspek gayundin ang mga ebidensya at nakatakdang sampahan ng kasong paglabas sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.
Ricky Pera/Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News