CNPPO PROV. DIR. MOISES PAGADUAN, HINARAP ANG MGA ISYU LABAN SA KANYA SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN!

CNPPO PROV. DIR. MOISES PAGADUAN, HINARAP ANG MGA ISYU LABAN SA KANYA SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN!

Daet, Camarines Norte (Nobyembre 28, 2014) – Hinarap na rin ni Camarines Norte Philippines National Police (PNP) Provincial Director PS/Supt. Moises Cudal Pagaduan ang mga isyung ipinapukol sa kanya sa Sangguniang Panlalawigan.

Nitong nakatalikod na regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan (SP), kasama ni Pagaduan ang mga kapwa opisyal ng pulisya, partikular si ang kapopromote lamang na si Supt. Honesto Garon at maging si P/Cinsp. Rommel Labarro na kababalik lamang bilang hepe ng Paracale PNP matapos itong pansamantalang ireleave.


Unang humingi ng paumanhin sa mga miyembro ng SP si PD Pagaduan matapos na hindi ito makadalo sa unang pagpapatawag ng Hunta, sa nakatalikod pang sesyon.


Isa sa napag tuunan ng pansin sa talakayan ang may kaugnayan sa kontrobersyal na ilegal na pagmimina sa Bayan ng Paracale, partikular sa Sito Maning sakop ng Brgy Casalugan.


Ayon sa opisyal, ginagawa nila ang lahat ng pagkilos para tuparin ang kanilang tungkulin sa pagpapatigil ng bawal na pagmimina sa lugar.

Mismong si Vice Governor Jonah Pimentel ang nag kwento ng nagaganap na sistema sa nasabing lugar. Isinalaysay ni Pimentel ang mga impormasyong nakarating sa kanya, partikular ang pagyabong ng ekonomiya sa lugar na idinulot ng pagmimina, partikular ang mga kinikita ng mga kargador ng “pasan” (gold ore), habal-habal, renta ng pag gamit ng kabayo at kalabaw, Jeepney, Hauler, mga tindahan at ilan pang pangkabuhayan dulot ng malagong kalakalan ng pagmimina ng ginto sa nasabing lugar.


Subalit sa kabila nito, pursigido pa din si VG Pimentel at ang kabuuan ng Sangguniang Panlalawigan na maisulong ang Minahang bayan na magiging dahilan para magkaroon ng dignidad ang mga minero at maging legal ang kanilang hanap buhay. Sa pamamagitan ng Minahang Bayan, malaya nang makapag hahanap buhay ang mga minero na mayroong Sistema at panuntunan na sinusunod, para sa kanilang kaligtasan at proteksyon sa kalikasan.

Sa nasabing talakayan, itinanong ni Bokal Senen Jerez kung totoo na tumatanggap ng suhol o porsyento si PD Pagaduan na mariin namang itinanggi ng nasabing opisyal. Ayun sa PNP Provincial Director, matagal nang nakarating sa kanyang kaalaman na may mga katulad nitong paratang laban sa kanya. Maging ang mga usap-usapan na tumatanggap din umano ng patong ang mga tauhan ni Pagaduan ay naitanong din ni Bokal Jerez. Handa naman umano itong paimbestigahan ni Pagaduan.
Iginiit ni PD Pagaduan na ipinasarado na nila ang minahan sa Sitio Maning at hinamon nito ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na sama-sama silang bisitahin ang naturang lugar. Kinagat naman ito ni Vice Governor Jonah Pimentel at sinabing kinabukasan din (Nobyembre 27, 2014) dapat isagawa ang pagbisita. Bagay na hindi naman sinang-ayunan ng opisyal ng pulisya at nais nitong mag takda ng araw para sa pag bisita sa lugar. Hindi rin naman ito kinagat ng mga bokal sa dahilang baka umano makapaghanda lamang ang kapulisan sa kabilang gagawing scheduled ocular inspection.

Tanong naman ni Bokal Gerry Quiñonez sa mga bisitang opisyal ng pulisya, kung bakit pinaghuhuli ang mga nagmimina gatung ang nilalaman ng kanilang resolusyon ay ipararado o ipatigil lamang ang pagmimina doon. Paliwanag naman ni Supt. Garon na may sinusunod silang proseso sa pagpapatupad ng batas at kinakailangan nilang may masampahan ng kaso para maging batayan ng kanilang pagpapasarado. Hindi rin anya maituturing na accomplishment kung walang mahuhuli at masasampahan ng kaso.


Samantala, muling naibulalas ni Vice Governor Jonah Pimentel ang kanilang pagkadismaya sa pamunuan ng Mines and Geosciences Bureau, partikular sa OIC dito na si Theodore Rommel Pestaño hinggil pa rin sa kawalan ng pagkilos nito san harap ng lumalaking suliranin sa illegal na pagmimina sa Camarines Norte.


Maging si DENR acting director Leo Hasareno at mismong si DENR Secretary Ramon Paje ay inabot din ng mga ngitngit ng bise gobernador.


Ayon kay VG Pimentel, personal syang lumapit kay DENR Paje, subalit wala din naman itong pagkilos at sa halip ay ipinasa sya kay Director Hasareno.


Nais ni Pimentel na gumalaw na ang nasabing mga opisyal dahil nasa interim status lamang sa ngayon ang PMRB Provincial Mining and Regulatory Board na dapat sanang magbibigay ng permiso at regulasyon para sa minahang bayan. Ang Regional Director ng MGB ang tumatayong Chairman ng PMRB at vice chairman lamang ang Gobernador.


(photo credits: Sangguniang Panlalawigan Facebook account)


Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *