VICE MAYOR AHLONG ONG NG BAYAN NG DAET, NAGLABAS NG SAMA NG LOOB HINGGIL SA PAGPAPATUPAD NG EXECUTIVE ORDER SA MGA AMBULANT VENDORS!

VICE MAYOR AHLONG ONG NG BAYAN NG DAET, NAGLABAS NG SAMA NG LOOB HINGGIL SA PAGPAPATUPAD NG EXECUTIVE ORDER SA MGA AMBULANT VENDORS!

Daet, Camarines Norte (Nobyembre 28, 2014) – “Hindi ako pulitikong tao. Naisubo lang ako sa pulitika”, ito ang mga naging pahayag ni Vice Mayor Noel “Ahlong” Ong ng Bayan ng Daet kamakailan sa gitna ng pansamatalang pagtayo nito bilang alkalde ng naturang bayan habang nasa official business trip si Mayor Tito Sarion

Ayon kay Ong, hindi niya ginagawang negosyo ang pulitika dahil noon pa man sa pangangampanya ay may political will na siya.

Naging dahilan din ng bise alkalde kaya diumano ay hindi siya pumasok noong nakaraang Biyernes (Nobyembre 21, 2014) ay dahil naiinis ito sa mga nangyayari tulad ng pag-iwan sa kanya ng trabaho sa pagpapatupad ng Executive Order sa mga ambulant vendors na pangalawang beses na umano sa kanyang ginawa ni Mayor Sarion at sa dami na rin ng kanyang pipirmahan.

Sa kabila nito, nagiging masaya rin umano siya dahil kahit ito ay bago sa larangan ng pulitika ay nakikita at alam niya na ang kanyang mga ginagawa ay karapat-dapat at tama.

Dagdag pa ng bise alkalde, naiintindihan din naman niya ang mga ginagawa ng alkalde kaya’t nais niya rin itong makausap pag-uwi nito. May mga pagkakataon lamang umano na naiinis siya na normal na nararamdaman ng isang tao.

Mariin din itong nanindigan na ang nais niya lamang niya ay magkaroon ng political will.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.