Talisay, Camarines Norte (Disyembre 1, 2014) – Hindi lamang sa bahagi ng Metro Manila may mga nagaganap na tangkang pangingidnap ng mga kabataan, kundi maging dito sa lalawigan ng Camarines Norte.
Sa mga nakalipas na mga araw, laman na ito ng mga usapin sa social networking site na Facebook na may mga nagaganap na ring kahalintulad na tangkang pangingidnap sa ilang Brgy dito sa lalawigan.
Kaninang umaga, sa eksklusibong panayam ni Nardz Hernandez at Christopher Cabarle sa palatuntunang “Ang Tanong” ng Kadamay Network PBN-DZMD, kinumpirma ni Talisay Chief of Police P/Insp. Christopher Gonzales ang insidente ng tangkang pangingidnap noong araw ng Biyernes sa isang grade 5 student sa Brgy. Caawigan, Talisay.
Ipinarating ng Punong Barangay ng Brgy Caawigan sa tanggapan ni COP Gonzales ang usapin matapos na maipaabot sa kanya ang nangyari sa batang babae sa kanyang nasasakupan.
Agaran namang tumungo ang WCD Women and Children’s Desk officer sa tahanan ng biktima at manginig nginig pa nitong sinalaysay ang pangyayari sa kanya.
Ayun sa biktima, habang sya ay naglalakad pauwi alas 12:30 ng tanghali ng nasabing araw mula sa paaralan, habang sya ay nasa dakong walang mga tao at kabahayan, isang kulay green na van ang nakaparada at agarang hinablot sya at sinabi umanong “sumama ka sa amin!”.