MARKET GUARD SA DAET, SINAPAK NG AMBULANT VENDOR; MAYOR TITO SARION MULING NAGPALABAS NG OFFICE ORDER HINGGIL SA PAGLILINIS NG PALIGID NG DAET SA MGA AMBULANT VENDORS!

MARKET GUARD SA DAET, SINAPAK NG AMBULANT VENDOR; MAYOR TITO SARION MULING NAGPALABAS NG OFFICE ORDER HINGGIL SA PAGLILINIS NG PALIGID NG DAET SA MGA AMBULANT VENDORS!

Daet, Camarines Norte (Disyembre 3, 2014) – Nanindigan si Daet Public Market Administrator Joey Cerilo na tuloy tuloy ang kanilang paglilinis ng mga illegal vendors sa bisinidad ng pamilihang bayan ng Daet.

Ito ay sa harap ng panununtok ng isang ambulant vendor sa isa sa kanyang mga market guard na nagpapatupad ng kautusan hinggil sa paglilimita sa pagtitinda ng mga ambulant vendors sa paligid ng palengke.

Nitong nakatalikod na linggo nang maganap ang panunutok ng ambulant vendor dahil sa pagsita sa kanya ng market guard, ganap ng alas 9:30 ng umaga.

Nitong nakatalikod na lunes, sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan ng Daet, inimbitahan si Market Administrator Joey Cerilo may kaugnayan pa rin sa isinasagawa nitong implementasyon sa executive order ni Mayor Tito Sarion hinggil sa paglilinis ng paligid ng palengke sa mga ambulant vendors.

Dito pinagkasundo na rin ni konsehal Elmer Bacuño ang dalawang sangkot sa panunutok. Ayun naman kay Market Admin Cerilo, hindi na ito dapat na maulit dahilan sa magsasampa na sila ng kaso sa sinumang mananakit sa kanyang mga tauhan.

Muling nilinaw ni Market Admin Joey Cerilo na simula alas 4 ng hapon hanggang alas 7 lamang ng umaga pahihintulutan ang mga ambulant vendors sa paligid ng palengke at pagkatapos ng nasabing takdang oras ay kinakailangan na nilang lisanin ang naturang lugar, upang maging maluwag para sa mga motorista at pedestrian na dadaan sa nasabing lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *