40 BARANGAY EMERGENCY VEHICLES, IPINAMAHAGI SA MGA BARANGAY NG 5 BAYAN NG CAMARINES NORTE!

40 BARANGAY EMERGENCY VEHICLES, IPINAMAHAGI SA MGA BARANGAY NG 5 BAYAN NG CAMARINES NORTE!

Daet, Camarines Norte (Disyembre 6, 2014) –Umaabot sa 40 mga units ng Barangay Emergency Vehicle (BEV) ang ipinamigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pangunguna ni Gov. Edgardo A. Tallado kahapon (Disyembre 6, 2014) sa Provincial Capitol Grounds sa Bayan ng Daet.

Ang unang bahagi ng mga naturang sasakyan ay bilang tugon umano sa pangangailangan ng bawat barangay na magsisilbing tulong pagdating sa emergency situations, barangay safety and order, at iba pang maaaring paggamitan nito na may kaugnayan sa pagbibigay serbisyo sa mga barangay.

Ang mga barangay na nabiyayaan ng BEV ay mga mula sa bayan ng San Lorenzo Ruiz – 9 units; Jose Panganiban – 12 units; Sta. Elena – 5 units; Capalonga – 6 units at Paracale – 5 units.

Bago ang pamimigay ng BEV, pinamunuan ni Fr. Fidel Era ang pagbabasbas sa mga ito, katuwang sa naging pamamahagi ay sina Vice Governor Jonah Pimentel, at mga bokal na sina Pol Gache at Jay Pimentel.

Malaki naman ang naging pagpapasalamat ng mga punong barangay sa naturang proyekto ng Pamahalaan Panlalawigan lalo na sa mga ganitong pagkakataong masama ang lagay na panahon.

Narito ang listahan ng mga bayan at barangay na napagkalooban ng BEV:                    

Jose Panganiban:          

Pag-asa           

San Jose

 Sta. Cruz

 Calero

 San Isidro

Luklukan Sur

Tamisan

Sta. Rosa Norte

San Martin

San Pedro

Plaridel

Dayhagan

San Lorenzo Ruiz:                               

San Isidro

San Ramon

San Antonio

Manlimosito

Salvacion

Daculang Bolo

Laniton

Dagotdotan

Langga

Sta. Elena:                        

Plaridel

Polongguit-guit

Patag Ilaya

Patag Ibaba

Kagtalaba

Paracale:                                         

Tawig

Pinagbirayan Malaki

Poblacion Norte

Poblacion Sur

Mampungo

Capacuan

Pinagbirayan Munti

Capalonga:               

Itok

Villa Aurora

Magsaysay

Old Camp

Catioan

Calabaca

 (photo credits: Edgardo Angeles Tallado Facebook account)

Edwin Datan, Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *