GPTA NG CNSC ABAÑO CAMPUS, HUMINGI NG TULONG SA SB DAET KUGNAY NG PLANONG PAG ABOLISH NG BASIC EDUCATION SA PAARALAN!

GPTA NG CNSC ABAÑO CAMPUS, HUMINGI NG TULONG SA SB DAET KUGNAY NG PLANONG PAG ABOLISH NG BASIC EDUCATION SA PAARALAN!

Daet, Camarines Norte (Disyembre 6, 2014) – Dumulog sa kamakailan Sangguniang Bayan ng Daet ang mga opisyal ng Camarines Norte State College – Abaño Laboratory Campus GPTA upang magpasaklolo kaugnay sa planong pag Phase Down ng basic education sa naturang paaralan.

Ayun sa mga ito, simula sa susunod na taon, hindi na tatanggap ng grade 1 at grade 7 hanggang sa tuluyan na itong maalis sa ilalim ng pamunuan ng Camarines Norte Statce College (CNSC).

Tutol ang mga magulang sa naturang plano dahilan na rin sa mga negatibong maaaring maging epekto nito sa mga magaaral at sa mga susunod pang papasok sa elementarya at sekondarya.

Ayun sa mga magulang, isa nang institusyon ang naturang paaralan na dating Abaño Pilot Elementary School sa dami na ng mga nagsipagtapos dito. Producer ito ng mga magagaling at matatalinong estudyante simula pa ng ito ay maitayo.

Maraming karangalan na rin para sa Camarines Norte ang dinala ng CNSC DBC and DLC sa mga kompetisyong sinasalihan nito sa labas ng lalawigan.

Sa panayam ng Camarines Norte News kay Konsehal Sherwin Asis, SB Committee Chairman on Education, hindi tama na agarang i-abolish ang basic education sa naturang paaralan dahilan na rin sa marami pang usapin ang dapat na ikunsidera.

Base sa kanilang napagkasunduan ng mga opisyal ng GPTA, agaran nang gumawa si konsehal Asis ng sulat para sa

pangulo ng Camarines Norte State College upang alamin kung talagang may umiiral nang kaatasan para sa pag phase-down ng naturang school level. Samantalang ang GPTA naman ang makikipagugnayan sa Commission on Higher Education (CHED) kaugnay pa rin sa sinasabing memorandum na nag su-supersede ng unang panuntunan na sinusunod ng CNSC.

Dito magsisimula ang kometiba ni konsehal Asis kung ano ang gagawin upang matugunan ang isyung idinulog sa kanya ng nasabing mga magulang.

Nagpahayag na rin ng personal na opinyon si Asis hinggil sa usapin ng pag tatanggal ng basic education sa naturang paaralan. Labis ang panghihinayang nito kung sakaling matutuloy dahil marami na ang nakapag tapos at natulungan ng paaralang ito. Bukod pa sa nilalaman ng Deed of Donation at Memorandum of Agreement na nilagdaan ng Pamilya

Abaño na nag donate ng lupa at ng Department of Education (DepEd) na posibleng ma-bridge ng naturang planong pag abolish o pag phase down. Kinakailangan anyang maikonsidera ito bago magsagawa ng ganitongn hakbangin ang pamunuan ng CNSC.

Maging si Konsehal Felix Abaño rin anya na kapamilya ng nag donate ng lupain ay hindi rin kumbinsido sa balak na gawin ng naturang State College.

Sa panayam ng Camarines Norte News sa mga magulang ng mga estudyante ng nasabing paaralan, hindi na nila hihintayin pa na umabot ng enrollment ang nasabing usapin dahilan sa baka tuluyan nang magsarado ang grade 1 at grade 7 sa susunod na school year.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *