PDRRMO, NAKAHANDA NA SA POSIBLENG PAG DAAN NG BAGYONG RUBY SA CAMARINES NORTE; LAHAT NG AHENSYA AT VOLUNTEER GROUPS NAKAALERTO NA!

PDRRMO, NAKAHANDA NA SA POSIBLENG PAG DAAN NG BAGYONG RUBY SA CAMARINES NORTE; LAHAT NG AHENSYA AT VOLUNTEER GROUPS NAKAALERTO NA!

Daet, Camarines Norte (Disyembre 6, 2014) – Pinulong kahapon ni Governor Edgardo Tallado ang lahat ng mga miyembro ng Provincial Disaster and Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ng Camarines Norte para sa pagtitiyak ng kahandaan sa posibleng pag daan ng bagyong Ruby sa lalawigan.


Si Ruby, na una nang ikinategoryang Super Typhoon ay wala pa ring katiyakan kung saang eksaktong lugar lalapag at dadaan sa Visayas at Southern Luzon hanggang sa isinusulat ang balitang ito.


Sa harap nito, maagap ang naging pagpupulong kahapon (Dec. 5, 2014) ng labing dalawang bayan sa Camarines Norte ng kani-kanilang MDRRMC.


Kinahapunan, ala una, nagpatawag na rin si Gov. Tallado ng pagpupulong naman para sa PDRRMO na dinaluhan ng mga kinatawan ng bawat munisipalidad, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at maging mga Non Government Organizations (NGOs) o Volunteer groups na makakatuwang ng pamahalaan para sa kahalintulad na kalamidad.


Alas sais pa lamang ng umaga nag anunsyo na Si Governor Tallado sa publiko ang pagkansela ng klase sa lahat ng antas upang makatulong sa paghahanda sa kani-kanilang mga tahanan.


Sa naging usapin sa pulong tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magiging maagap sila sa pag responde para sa clearing operation sa mga kalsada upang maging mabilis ang pagdaloy ng transportasyon o mga emergency vehicles. Nakahanda din naman ang Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) para sa anumang kasong maidudulog sa kanila na kinakailangan ng agarang atensyong medical.


May pagtitiyak din ang DSWD na agarang magkapag kakaloob ng makakain sa mga dadalhin sa mga evacuation centers at ilan pang mga pangangailangan na sakop ng kanilang tanggapan.
Ang Department of Education (DepEd) naman ang papagamit ang kanilang mga paaralan subalit kinakailangan na

matiyak na hindi masisira ang mga kagamitan sa eskwelahan ng mga pansamantalang tutuloy dito. Bago pa man dumating ang bagyo, iiwan na sa opisyal ng Brgy o sa pinakamalapit na gro sa paaralan ang mga susi upang agarang makuha kung sakaling gagamitin na ang classrooms bilang evacuation centers.


Kasama din sa pulong ang halos lahat ng ahensya ng pamahalaan, Philippine National Police (PNP), Philippine Army (PA), Bureau of Fire Protection (BFP), NGO’s Radio communication Groups, mga kinatawan  ng bawat MDRRMO, Philippine Red Cross – Camarines Norte (PRC-CN), at iba pa na magiging bahagi sa paghahanda at pag responde kung sakaling dumating sa ganung sitwasyon.


Pawang nagbigay ng kanilang pagtitiyak ang lahat ng mga nagsipagdalo na gagampanan ang kani-kanilang mga responsibilidad.


Nanawagan si Gov. Tallado sa mamamayan ng Camarines Norte na maging handa ang lahat at sumunod sa magiging kautusan ng mga opisyal ng barangay o BDRRMO lalo lalo na sa mga nasa mababang lugar, mga malapit sa dalampasigan, mga nasa gilid ng ilog at bundok upang maiwasan ang pagkalagas ng buhay.


Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *