HINIHINALANG BIKTIMA NG SUMMARY EXECUTION, NATAGPUAN SA BAYAN NG BASUD!

HINIHINALANG BIKTIMA NG SUMMARY EXECUTION, NATAGPUAN SA BAYAN NG BASUD!

Basud, Camarines Norte (Disyembre 8, 2014) – Patuloy pa ring inaalam ngayon ng Basud Municipal Police Station (MPS) ang pagkakakilanlan ng isang lalaki na natagpuang patay sa Brgy. Tuaca, Basud nitong nakatalikod na Sabado (Disyembre 6, 2014) ng gabi.

Ang naturang biktima ay nakasuot ng puting t-shirt, asul na denim shorts, may mga tattoo na “Guardians L – ALNE, at Scorpio sa kanang braso, at imahe naman ni Santa Maria sa kaliwang braso nito. May tatlong tama rin ng saksak ang biktima na may nakataling nylon cord na ginagamit sa manok ang nakita sa leeg nito, gayun din ang isang berde at dilaw na plastic bag na nakasuot sa ulo nito at binalutan ng packaging tape ang mukha. Itinali rin ang mga kamay at paa ng biktima gamit ang puting plastic strapped.

Tinataya namang humigit-kumulang na 40-45 taong gulang ang biktima, chubby, higit-kumulang 5’5 ang taas, at hinihinalang biktima ng summary execution.

Nanawagan naman ang Basud MPS na agad na ipagbigay alam sa kanilang himpilan kung may nakakakilala sa biktima gayundin sa pamilya nito upang agarang malutas ang naturang insidente.

Kasalukuyan pa rin ngayong nasa punerarya sa Bayan ng Basud ang biktima makaraang sumailalim ito sa autopsy.

Edwin Datan, Jr.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.